Kim Rodriguez, ‘di pa raw BF si Kiko Estrada

Kim-RodriguezAMINADO ANG Mario D Boro image model na si Kim Rodriguez na sa pagtatambal nila ni Kiko Estrada, mas lalakas ang bali-balitang boyfriend na nito ang binata.

“‘Yun nga ‘yung iniisip ko. Kasi alam naman naming may tsismis na kami na, pero ang totoo ay close lang talaga kami sa isa’t isa at magkakabarkada kasama si Teejay Marquez. Tatlo kasi kaming very close talaga, siguro ‘yung sweetness namin bilang magkaibigan, nabibigyan ng malisya.

“Sanay na naman kaming matsismis na kami. Hahaha! Kaya okey lang. Lalo na ngayon na magkasama kami sa soap kaya expected na namin na mas matsistismis pa kami. Hahaha!”

Hindi na nga lang daw nila pinapansin o pinapatulan ang mga tsisimis na dumarating sa kanila.

“Deadma lang kami kasi ‘pag pinatulan mo, mas lalala pa, mas lalaki lang. Tsaka hindi naman kami papayag na maapektuhan ‘yung friendship namin nang dahil lang sa tsismis.”

Papano nga raw sila magkakaroon ng malalim na relasyon hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Kiko.

“Nanliligaw ba sa akin si Kiko? Parang hindi naman, siguro sobrang close lang kami. Siguro mas magandang siya na lang ang tanungin n’yo if may balak ba siyang manligaw sa akin. Hahaha! Kasi ‘pag magkakasama naman kami, wala akong maramdamang gusto niyang manligaw. Kumbaga, barkada lang talaga, nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa ‘t isa.”

PAO Chief Acosta, nililigawan nang tumakbo bilang senador

 

MARAMI ANG kumakausap sa mabait at masipag na PAO Chief na si Atty. Persida Acosta na pumalaot na sa pulitika at tumakbong senador sa susunod na eleksiyon. Pero sa ngayon daw ay wala pa sa isip ni Atty. Acosta ang sumabak sa pulitika dahil marami pa raw siyang hawak na kaso na dapat lutasin sa PAO.

At isa nga rito ang kaso ng Sulpicio Lines, ang kumpanyang may-ari ng M/V Princess of The Stars na lumubog ilang taon na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakukuha ang mga biktima.

Kaya naman daw nag-file ng Motion for Reconsideration ang PAO para i-review ng Supreme Court na magkaroon ng criminal liability ang may-ari ng Sulpicio na si Edgar Go. Dapat daw na makulong ito sa dami ng taong namatay sa paglubog ng M/V Princess of the Stars dahil na rin sa kapabayaan nito.

Ayon pa nga kay Atty. Acosta, hindi naman daan-daang piso lang ang kabayaran ng mga buhay na nawala sa nasabing paglubog. Kung sa pamilya kaya raw nila nangyari ito, sa tingin kaya nila ganu’n-ganu’n lang ang kabayaran ng buhay ng mga mahal nila sa buhay. Hustisya ang gusto ng mga kaanak ng mga yumao at hindi ‘yung salaping kapalit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Teen RNB Singer Moira Lacambra, tumanggap ng parangal

 

TUMANGGAP NG panibagong award ang singer/teen Actress na si Moira Margueret Lacambra sa katatapos na Gawad Musika 33rd Seal Of Excellence Awards 2014 na ginanap sa AFP Theater last Aug. 14 for Most Promising Teen Soul/RNB Artist 2014. Kung saan co-awardee nito sina Vice Ganda, Erik Santos, Diana Meneses at Timmy Pavino.

Bukod sa naturang award, nakatanggap na rin ito ng parangal sa 25th Asia Pacific Excellence Award for Most Promising Bossanova Artitst na ginanap last April 27, 2014 sa Prince Plaza Hotel, Baguio City, 2014 at Global Youth Service Day 2014 Voice of the Youth Network Awardee last May 4, 2014 sa Mabuhay Restop Manila. Naging Silver Medal din ito sa Sing and Joy Intenational Chorale Competition na ginanap sa Aliw Theater last Dec. 13, 2013 at naging finalist sa Voirex Recording Excellence of the Center for Pop Music Philippines.

Ilan sa mga naging guestings at gigs ni Moira ay ang Net 25 Pambansang Almusal, Net 25 Letters and Music, Earl Santos Skydome Concert, La Presente at Teatrino Greenhills at nakalibot na rin ito sa iba’t ibang SM mall.

Nakatakda naming lumabas ang kanyang first single, ang “First Date” with songwriter Marcus Davis. Abangan naman ang paglibot ni Moira sa Starmall na magsisimula sa Aug. 16 sa Star Mall Alabang; Aug. 17 sa Starmall Las Piñas; at sa Starmall Edsa Shaw sa Aug. 31.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleWalang Hustisya!
Next articlePAO Chief Persida Acosta, patuloy na ipinaglalaban ang mga biktima ng M/V Princess of the Stars

No posts to display