Nalulungkot daw ang magandang Kapuso teen actress na si Kim Rodriguez sa nalalapit na pagtatapos ng “Hanggang Makita Kang Muli”, kung saan nag-last taping day sila kahapon, June 20.
Mami-miss nga raw ni Kim ang kanyang mga nakatrabaho sa said serye, lalo na ang kanyang mga naging co-Tween Hearts na sina Bea Binene at Derrick Monasterio.
Wish nga ni Kim Rodriguez na mabigyan muli sila ng proyekto nang magkakasama after “Hanggang Makita Kang Muli” dahil nag-enjoy raw siya nang husto sa pakikipagtrabaho sa mga ito.
Sa ngayon daw ay waiting ulit si Kim sa next project na ibibigay sa kanya ng Kapuso Network at sana nga daw this time ay ibang role naman ang ibibigay sa kanya at hindi muna kontrabida.
Ayaw raw kasi nito na ma-typecast as kontrabida. Mas gusto raw nito na maging versatile, na lahat ng role na ibigay sa kanya ay kanyang magagampanan nang tama.
Pelikulang “The Story of Love” punum-puno ng puso
NAGING MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng makabuluhang pelikulang “The Story of Love” na hatid ng ABJ International Film Production in cooperation of King International Film and Media Network at mula sa mahusay na direksiyon ni GM Aposaga.
Ang “The Story of Love” ay pinagbibidahan nina Ynez Veneracion, Katrina Paula, Via Veloso, Jong Cuenco, Maria Isabel Lopez, Jef Gaitan, Diane Medina, Joshua Nubla, Francis Magundayao, Kyline Alcantara, Princess Flores, at Aj Ocampo.
At kahi’t nga baguhan sa pag-arte sa pelikula ay hindi naman nagpahuli pagdating sa pag-arte at nagpakita ng husay ang mga bagets sa “The Story of Love” na sina Aj, Kyline, Francis, Princess, at Joshua.
Habang ‘di naman matatawaran ang husay sa pag-arte nina Maria Isabel, Ynez, Jong, Jef, Diane, Katrina. at Via. Habang maganda ang pagkakalapat ng musika, maganda ang script, at mahusay ang pagkaka-direk nito ni Direk GM.
John’s Point
by John Fontanilla