MASISIPAG ANG MGA Kimerald fans sa pagpapadala sa amin ng e-mail. Gusto nilang ipaabot sa management ng ABS-CBN na bigyan uli ng project sina Kim Chiu at Gerald Anderson after Kung Tayo’y Magkakalayo, na ngayong gabi na ang huling episode.
Meron pang isang Kimerald fan na nagrereklamo, dahil masyado umanong na-focus kay Coco Martin ang kuwento at hindi na sa kanilang mga idolo.
Understandable, dahil gano’n talaga ang mga fans. Pero paano kung na-focus pala nang husto ang kuwento sa Kimerald? Asahan na rin ba namin ang pagdagsa ng e-mails ng mga Coco fans?
AYAW RING PAAWAT ang mga fans ni Carmen Soo. Alam namin na lahat din ng reporters, binobomba nila ng e-mails hanggang sa makarating sa ABS-CBN management na utang na loob, ano na ang kasunod after Kahit Isang Saglit? Meron naman, ah? Nasa Wowowee ngayon si Carmen Soo.
At meron pa palang isa. Nasa TV5 din siya, napansin n’yo? Hindi, ano? Puwes, palagi siyang ine-impersonate ni Alex Gonzaga na sadyang nakakabaliw, dahil gayang-gaya nga ng hitad!
MUKHANG INTERESTING ANG limang kuwento sa isang pelikula, ang Cinco ng Star Cinema. 15 to 20 minutes ang running time ng kada episode, so mabilisang kuwento ito na nakakatakot talaga?
‘Yan pa naman ang mahirap gawin—ang magpatawa at manakot. Pero base sa trailer na napanood namin, mukhang promising ang bawat episode.
Sa “Mata” ay bida sina Maja Salvador at Rayver Cruz sa direksiyon ni Ato Bautista.
Sa “Mukha” ay bida namn si Mariel Rodriguez sa direksiyon ni Nick Olanka. Laging nakasimangot dito si Mariel kasama sina Nanding Josef at Ketchup Eusebio.
Sa “Braso” episode naman ay ang Gigger Boys na sina Sam Concepcion, AJ Perez at Robi Domingo sa direksiyon ni Frasco Mortiz kasama si Baron Geisler.
Sa “Puso” episode naman na dinirek ni Cathy Molina-Garcia ay tampok sina Zanjoe Marudo at Pokwang.
At first directorial job naman ng aming friend na si Enrico Santos ang episode ni Jodi Sta. Maria na pinamgatang “Paa.”
Kung mapapansin n’yo, bahagi ng katawan ang title ng bawat episode, kaya ‘pag nagklik ito sa July 14, baka magkaroon na naman ng “Cinco Dos” as in “part 2.”
Tapos, puro bakla ang bida at ang mga title ay bahagi rin ng katawan. First episode ang “Singit,” second episode ang “Boobs,” third episode ang “Keps,” fourth episode ang “Tumbong” at last episode ang “Nota.”
Oh My G!
by Ogie Diaz