SA IKATLONG pagkakataon, muli naming pinanood ang pinagbibidahang pelikula nina Kim Chiu at Xian Lim ang Bride For Rent, kasama ang aming itinuturing na kapatid na si Prince Ondong sa SM North Edsa.
At katulad ng nauna at pangalawa naming panonood, hagalpak pa rin kami nang hagalpak sa katatawa sa mga eksenang nagpapatawa sina Kim at Empoy, at naiiyak sa mga eksenang madamdamin at kinikilg sa eksenang magkasama sina Kim at Xian.
Nakita rin naming nanood ang mabait na staff ng SM Cinema na si Melvin Malones na puwedeng-puwedeng mag-artista at dinig na dinig namin ang lakas ng tawa nito sa tuwing nagpapakuwela sina Kim at Empoy.
Tsika nga ni Prince, “May magic talaga ang loveteam nina Kim at Xian, alam naman natin na hindi naman sila, at aminado sila, pero grabe ‘yung kilig na ibinibigay nila sa mga manonood ng movie nila.”
Base na rin iyon sa mga hiyawan ng mga manonood sa mga sweet na eksena ng dalawa.
Dagdag pa ni Prince, “Grabe ang haba ng pila. Ang tagal na nitong palabas, pero marami pa rin ang mga nanonood. Maganda ang pelikula, kumbinasyon ng kilig, aral, drama… lahat nandu’n na. Mag-e-enjoy ka talaga sa panonood.
“Nanonood din ako ng movie noon nina Kim at Gerald Anderson, pero iba ang loveteam nina Kim at Xian. Mas marami ang nanonood ng pelikula at mas maganda ang chemistry nila on screen.” Pagtatapos ni Prince na na nangakong manonood ulit ng Bride For Rent.
John’s Point
by John Fontanilla