HINDI AKALAIN ni Aljur Abrenica na sariling aso pa niya ang kakagat sa kanya. At ang grabe ay kasagsagan pa ng bagyo last Sunday naganap ang hindi inaasahan ng actor nang isugod siya sa St. Luke’s Hospital para bigyang-lunas ang kagat ng aso.
Kaaagad siyang sinaksakan ng anti-rabbies at anti-tetanus. Hanggang September ang gamutan kay Aljur para sa injection ng anti-rabbies at hanggang sa January 2013 para sa anti-tetanus.
Samantala, hindi muna raw matutuloy ang nakatakdang pagsasama muli nila nina Kris Bernal at Rhian Ramos sa primetime TV series sa GMA-7 na Sana Dalawa Ang Puso Ko.
Ayon sa source, may kapalit naman daw ito na adaptation ng isang Korean hit series na Coffee Prince. Matagal na raw pinag-uusapan ang pag-a-adapt ng nasabing Korean TV series at marami ring Kapuso stars ang gustong gumanap dito. Kaya instead na Sana Dalawa Ang Puso Ko, ang Coffee Prince na ang gagawin nina Kris at Aljur.
Pero hindi ito makumpirma ni Kris, although parang may ganoon na raw na sinasabi sa kanila na baka masi-shelve muna ang SDAPK at ang adaption ng hit Korean TV series ang ipapalit dito.
Sabi ni Kris, if ever na matuloy ito ay may pressure daw sa kanila, lalo na sa kanya dahil well-loved ang nasabing Korean series. Pero kung matutuloy talaga, willing siyang ipagupit ang mahaba niyang buhok.
NAWALA MAN ang tandem nila ni Bea Binene sa ngayon, may Indie film namang ginagawa si Jake Vargas na ayon na rin sa young actor ay napakaganda raw ng istorya.
Ang hirap lang daw ay hirap na hirap siya sa role na gumanap na isang adik. Mabuti na lang kasama rin sa naturang indie film na idinirek ni Buboy Tan, si Romano Vasquez na dating gumagamit ng pinagbabawal na gamot.
Tinuruan daw siya ng tamang pag-e-emote ni Romano ng isang taong naging adik. Kaya hayun, perfect ang bawat eksena kapag siya ay guma-ganap na isang adik.
Hindi naman ikinakaila ni Romano Vasquez, na ngayon ay nasa pangangalaga ni Direk Maryo J. delos Reyes, na minsan siyang nalulong sa pinagbabawal na gamot.
Matagal din daw ang naging epekto nito bago siya natauhan na magbagong buhay. Nagpasalamat siya Direk Maryo J dahil binigyan siya ng pagkatataong tuluyang malayo sa bisyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng project at tanggapin siya bilang isa sa mga talent nito.
May isang anak si Romano na laging kasama nito at ito rin daw ang anak niya ang naging sandalan niya para lubusang layuan ang masamang bisyo.
NAKATAKDANG BUMALIK ng bansa si Nora Aunor. Siguradong mauungkat sa pagdating ng Superstar ang pangungutang daw niya sa isang movie scribe na gustong alamin daw ng TV5, kung saan may kontrata si Ate Guy, kung ito ay may katotohanan.
Anyway, sa pagba-balik-bansa ni Ate Guy, ‘di raw mababakante ito dahil bibigyan daw kaagad ito ng trabaho ng TV5.
Unang gagawin niya pagdating ng bansa ay guesting niya sa Untold Stories ng Face To Face, na ang concept daw ng nasabing drama anthology ay pawang mga big name sa showbiz ang tampok sa mga kuwentong ilalahad sa show. Nauna na nga si Maricel Soriano na susundan ng Superstar.
Nakahanda raw ang Kapatid Network na bigyan ng sunud-sunod na project si Nora at ito raw ay pag-uusapan sa kanyang pagbabalik-bansa.
Sigurado na rin daw ang pagdalo ni Nora sa Venice Film Festival, kung saan nakapasok sa main competition sa nasabing international filmfest ang kanyang indie film na Thy Womb, sa September. Pag-uusapan raw kung sa premiere showing raw ba ng pelikula siya dadalo o sa awards night.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo