PATULOY PA RING bihag ng mga kidnapper ang 22-anyos na anak na lalaki ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Elias Yusoph, na dinukot noong Linggo sa Marawi City, ayon sa isang police opisyal kahapon.
“Based on our intelligence monitoring, the area is still within Lanao del Sur,” pahayag ni Chief Superintendent Bienvenido Latag, regional police director ng Autonomous Region of Muslim Mindanao, sa mga reporter sa Camp Crame.
Kasabay nito, minomonitor na ng mga awtoridad ang ilang grupong pinaniniwalaang responsable sa pagdukot kay Nuralden Yusoph, pero tumanggi na si Latag na ihayag ang pangalan ng mga grupong ito.
Sinabi ni Latag na nagkakaroon ng pagpupulong ang crisis management committee, na binuo matapos ang insidente, kahapon para pag-usapan ang mga gagawing hakbang kaugnay ng sitwasyon.
Dinukot si Nuralden matapos na magsimba sa isang mosque sa Marawi City Sunday. Kapalit ng paglaya nito, hiniling nga mga dumukot kay Nuralden na bale-walain ang mga boto sa mga bayan ng Malabang, Pikong, Taraka at Masiu sa probinsiya.
“There is an ongoing negotiation,” ani Latag. “But the stand of the government is a no-ransom policy.”
Pinoy Parazzi News Service