MAY TAMPO ba si Kiray Celis sa kanyang mother studio, ang Kapamilya Network?
Sa totoo lang, sa mga artista ng ABS-CBN na maganda ang naging resulta ng mga movie projects sa box-office, tila ang komedyante ay napapabayaan na at naibibigay ang mga roles na intended sa kanya sa iba.
Sa katunayan, ang last two lead roles ni Kiray sa pelikula niya with Regal (naging leading man niya sina Derek Ramsay at Enchong Dee sa magkaibigang pelikula) ay kumita at hindi matatawaran ang box-office results kumpara sa mga pelikula ng di hamak na mas maganda sa kanya na mga bida sa pelikulang pag-ibig na hindi naman tinangkilik ng publiko.
Sa grand media conference ng pelikulang Class of 2018 (showing this Wednesday, November 7), kung saan isa sa mga bida si Kira y(parang 2nd lead lang siya based on the poster design), madami mang nagtaka kung bakit pumayag siya na tanggapin ang project kasama sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Novato at Kristel Fulgar.
Sa billing, lumalabas na hindi main lead ang role dalaga.
Pahayag niya, okey lang daw kung yun kung yun ang gusto ng director at producer at hindi siya ang ibinandera sa pelikula as long na ‘bayad’ siya.
In short, keber nya kung lumalabas na parang suporta lang siya basta ang talent fee daw niya ay pang first lead.
Sa pelikula, ipinu-push sina Nash at Sharlene na dati’y magka-love team.
Sa pelikula, mga students sila na napasok ma mga pasaway na nang mag-out of town minsan ay nahawa ng isang mysterious virus ang isa nilang classmate na dahil dito ay na quarantine sila sa isang abandoned military camp.
Ang teen-oriented film ay produced ng T-Rex Entertainment at directed by Charliebebs Gohetia.
Reyted K
By RK Villacorta