Noong Friday, a premiere night ng pelikula nina ni Enchong Dee, excited si Kiray Celis sa magiging reaction ng manonood sa kanyang pangalawang pelikula sa Regal Films na “I Love You To Death”.
“Bukod sa excitement na nararamdaman ko, natatakot din ako kung magugustuhan ba ng tao ang pelikula. Siyempre, malaki ang expectations din ng mga nakapanood noong una na kami ni Derek (Ramsay, “Love is Blind”) ang magkapareha,” sabi ng komedyante sa amin.
Kasi naman, ang pelikula nila ni Derek noon, tunay na hataw sa takilya, na siya mismo, hindi niya inaasahan na ganu’n ang magiging pagtanggap ng manonood sa kanya at sa “love team” nila ni Derek.
Sa bagong timpla ng “I Love You To Death” na pinaghalong horror na may comedy at romance, this time ayaw ring paawat ng guwapong kapareha niya na si Enchong Dee na isa sa mga elusive bachelor natin sa showbiz sa kasalukuyan.
Bigay na bigay nga si Kiray sa kissing scene niya na nakadagdag-kiliti lalo sa mga eksena nilang dalawa.
“Thankful ako kay Mother Lily at kay Ms. Roselle (Monteverde) sa pangalawang pagkakataon na ibinigay nila sa akin. Hindi lahat ng tulad ko ang nabibigyan ng ganitong project. Sino ba naman ako para isugal nila ang kanilang kadatungan para lang sa akin,” pag-e-emote ni Kiray.
Napanood ko na ang pelikula at masasabi kong laugh trip to death ito para sa mga manonood bukas ng pinakabatang komedyante sa showbiz sa kasalukuyan.
Aminado si Kiray na sa face pa lang niya, matatawa ka na. Pero wait until you see her umagaw ng eksena sa sarili niyang style ng comedy.
Pero hindi dapat matakot si Kiray dahil positibo ang reaksyon ng manonood.
Kaya nga kung ano man ang naging reakyon ng tao last Friday evening, panawagan niya, “Kahit hindi po kayo nakapanood noong premiere night, bukas po ay suportahan n’yo ang movie namin at happy na ako dun,” panawagan niya sa kanyang mga supporters.
Si Mother Lily, kampante sa kanyang pelikula dahil sa narinig niyang feedback mula sa mga nakapanood na. Dapat si Kiray ganu’n din, cool lang at samahan niya ng prayers para maging successful ang movie nila ni Enchong.
Sa reaksyon kasi ng publiko mo kasi makikita kung gusto nila ang pelikula at during last Friday’s preem, pinatunayan ng mga manoood na iba nga ang klase at timpla ng komedya ni Kiray sa pelikula na alam mong kakagatin ito ng mga bagets.
Shall I say, si Kiray na ngayon ng “Prinsesa ng Komedya” and anytime soon, magle-level up na rin siya para umupo sa puwesto nina Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo na dahan-dahan nang namamaalam?
Showing simula bukas, July 6, ang “I Love You To Death”. I’m sure, bongga ito, lalo pa’t kasabay ng holiday at walang pasok bukas sa opening day ng pelikula dahil End of Ramadan celebration ng mga kapatid nating Muslim at may track record na si Kiray na basta pelikula niya, siguradong mapaiihi ka sa tawa. Promise, ‘di ka magsisisi.
Reyted K
By RK VillaCorta