KAHIT NA dalawang taon na ang nagdaan nang magbida sina Mylene Dizon at Kit Thompson sa 2019 Cinemalaya entry na ‘Belle Douleur‘ ay patuloy pa rin ang paglakbay ng pelikulang ito na nakakasungkit pa ng tropeyo.
Si Kit Thompson ang hinirang na Best Actor (Panorama Asia) sa katatapos lang na 54th WorldFest-Houston International Film Festival.
Posted sa Facebook page ng nasabang film festival noong April 27, “Kit Thompson’s charming performance in ‘Belle Douleur’ was easy to fall in love with and earned him the Remi award for BEST ACTOR (Panorama Asia) at WorldFest 54,”
Tinalo ni Kit ang Japanese actors na sina Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya, na parehong nominado para sa kanilang paggganap sa pelikulang “Sin-Gone Irony.”
Nominado rin ang female protagonist ng Belle Douleur na si Mylene Dizon, pero natalo ito ni Nao Hasegawa na bida naman sa ‘Beautiful Lure’.
Sa mga hindi pa nakakapanood, palabas pa rin sa IWantTFC ang Belle Douleur. Isa itong May-December love story na siguradong makakarelate ang ilan sa mga Pinoy viewers natin. Noong ipinalabas ang pelikula ay pinag-usapan rin ang natural na hot chemistry sa pagitan nina Mylene at Kit na tila walang age gap pagdating sa kanilang love scenes.