AMININ NATIN: Unusual ang pairing nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa Kita Kita. Sanay tayo na makapanood ng leading man na matangkad, mayaman at ubod ng guwapo. Bihira rin tayo makapanood ngayon ng leading lady na matangkad at hindi pa-tweetums.
Don’t be fooled by the movie poster of Kita Kita. Kung ine-expect ninyo na pagugulungin kayo sa tawa, well, you’re kind of right! Maging handa lang din dahil guguho din ang mundo niyo sa pagluha.
Dahil ako ngayon ay nasa probinsya, tiningnan ko ang list of films na palabas noong July 19. Nalungkot ako dahil wala sa line-up ang Kita Kita. Hindi ko naman masisi ang movie theater na malapit sa akin dahil s’yempre, business is business. Hindi naman kasi talaga considered na box-office mainstream stars ang mga bida kahit impressive ang filmography nila.
Nabigla ako dahil by chance ay napadpad ako sa SM City Rosales at ayon sa takilyera, ipinasok ang Kita Kita noong Friday dahil marami ang naghahanap nito. Ibig sabihin ay na-capture na ang target audience ng pelikula.
Without giving too much spoilers, babanggitin ko na lang ang mga rason kung bakit pinipilahan na ang Kita Kita ni Sigrid Andrea Bernardo:
- Word of Mouth – Sa kokonti na nanood ng sine noong opening day, nagtweet o nagpost ng status ang mga ito sa kani-kanilang social networking accounts encouraging their family and friends to watch the movie.
- Japan – Well, Japan works para sa mga Pinoy kahit saan pang parte ‘yan shinoot. Apart from this, in-adapt din nila ang ‘Asian movie feel’ na madalas natin mapansin sa mga pelikula mula Japan at South Korea. Lakas makainlab, eh!
- Alessandra de Rossi – Sa totoo lang, kung gagawa ako ng pelikula, si Alessandra de Rossi ang itatap ko. Kwela ito sa social media, pero when it comes to acting, in character siya agad. Mata pa lang ni ateh, nangungusap na. May eksena dun na napakasimple (naglilipstick lang siya), pero medyo na-hit yung puso kong winter mode. Hahaha!
- Empoy – Palagi na lang siyang sidekick na inaapi-api o pinagtitripan, pero sa movie niya pinatunayan na he can effectively make you laugh and make you say ‘awwww’ at the same time. Gets ko na kung bakit hindi napunta kay Piolo Pascual ang role kahit pa siya ang producer (sa aspetong iyan ay saludo ako kay Papa Pi… unlike some actors-slash-producers na pinipilit ang sarili nila sa roles na hindi na akma ang look o age nila. Marami ‘yan!
- Authenticity – Kahit pa sabihin mo na may feels ng KDrama ang movie, nagstick pa rin ito sa tunay na definition ng love. Hindi lang naman sa panlabas na anyo ‘yan – sadya mo ‘yang mararamdaman.
- Puso, saging at repolyo – Right ingredients, guys… Kumain kayo ng masustansya mga kids para laging happy ang heart. Basta manood kayo para magets niyo!
The movie has a bittersweet ending, but the adventure especially learning about the other side of the story is endearing. Parang gusto mong i-hug sina Tonyo at Lea after watching.
Kaya kung ako sa inyo, spend your Php 250 wisely – manood ng Kita Kita! Kitakits sa movie house!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club