BLIND ITEM: Merong isang young actor na may Facebook account, si J. Masipag siyang mag-Facebook. Gusto sana naming itanong sa kanya kung meron ba siyang ibang pinagkakaabalahan, dahil parang nauubos na sa kape-Facebook ang kanyang oras, eh.
Kung sa bagay, kesa naman mag-adik ‘yan, ‘no! At least, sa Facebook lang addict kahit hindi siya busy sa kanyang career.
SA SHOUTOUT NI Klaudia Koronel sa Facebook account niya, parang ang sama ng loob niya. Pa’no kasi, ayaw siyang payagan ng dyowa niyang mag-work. Gusto, taong-bahay lang siya.
Eh, ang sarap pa naman daw mag-work at tumulong sa kanyang pamilya na nandito sa ‘Pinas at nangangailangan ng kanyang suporta. Ewan kung paanong na-resolve ni Klaudia ang problemang ‘yon.
Tingnan natin kung maganda na ang kanyang shoutout sa susunod.
Opo, magtatapos na ang May Bukas Pa, kaya nalaman na ni Santino na ang tunay niyang ama ay si Mayor Enrique Rodrigo (Albert Martinez). Sa Feb. 5 na ang last airing, kaya pakatutukan n’yo na araw-araw.
Ilan na ring tagasubaybay ang nakakausap namin at ewan, kapag kinukumpirma naming magtatapos na ang May Bukas Pa ay nalulungkot sila. “Sana, pahabain pa, dahil nagbibigay ng pag-asa sa tao ang kuwento ng ‘May Bukas Pa.’
Sabi na lang namin, “Ang importante po, naging malaking bahagi kayo ng success ng programa! At para tumagal ng isang taon ito, ibig sabihin, nagustuhan n’yo talaga!”
Kasabay na rin ng paglilinaw sa mga binababaan namin sa District 3 ng Quezon City (kung saan nangangarap tayong maging Konsehal) na character lamang namin ni Arlene Muhlach ang pagiging tsismosa at pagiging gahaman sa salapi.
Ang nakatutuwa, alam nila na ‘yon ay role lang at hindi nila sineseryoso. Kaya ‘pag kami’y bumababa at sinasabi nilang, “Ba’t sa TV, nagpapatawa ka? Ba’t sa personal, seryoso ka?”
“Bayad po kasi sa TV, eh!”
Saka sila tatawa. At least, napangiti namin sila.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. With Rommel Placente, Eric Borromeo at Ms. F.
Oh My G!
by Ogie Diaz