KAY BILIS nga naman ng panahon, parang kahapon lang kasasalubong lang natin ng bagong taon. Ngayon, Pebrero na! Isa sa espesyal na buwan ang Pebrero, dahil ito ay buwan ng pag-ibig o pagmamahalan. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Chinese New Year at buwan din ng Pebrero ang bukod tanging may 28 na araw lamang, at kung leap year naman, may 29 na araw ito. Tulad ng taong ito, ngayon ay leap year kaya mayroon tayong 29 araw ngayong Pebrero.
Kay raming dahilan para mag-celebrate ngayong Pebrero. Lalo na ilang araw na lang, Chinese New Year na at Valentine’s Day pa! Ano kaya ang magandang gawin kasama ang pamilya, special someone at barkada? Kung nag-level up naman ang budget natin, bakit hindi subukang mag-travel abroad? Siyempre unahin n’yo na ang karatig-bansa natin o ang mga Asian countries. Huwag nang mag-worry dahil may Klook naman tayong maaasahan.
Ano nga ba ang Klook? Ito ay isang Hong Kong-based company, kung saan ka makabibili ng travel activities sa Asya. Ang twist dito, makukuha mo ito sa presyong mas mura kaysa sa original price nito. Nakae-excite, hindi ba? Bakit hindi mo subukang gumawa ng Klook account. Simple lang ito, para ka lang gumagawa ng isang Facebook account.
Kapag mayroon ka nang Klook account, mamili kung anong bansa ang nais mong puntahan. May preview rin ang Klook ng mga travel activities sa bawat Asian country. Naka-sort pa ito kung water, land, at air activities. Kapag may nagustuhan ka nang travel activity, i-book mo lang ito, bibigyan ka ng promo code, i-encode ito at wala pang ilang minuto, makakukuha ka na agad ng diskwento! Puwede mo pang i-share ang promo code sa mga kaibigan mo para makakuha rin sila ng discount. O, ‘di ba, everybody happy?! Makababakasyon ka na, nakatulong ka na, nakatipid ka pa!
Huwag kang mag-alala, hindi ka pa naman masyadong nahuhuli kung wala ka pang Klook app dahil noong Setyembre taong 2014 lamang ito nailunsad. Sa kasalukuyan, mayroon nang humigit-kumulang sa 1,200 travel activities sa mga bansa sa Asya. Kay bilis nga ng pag- asenso ng Klook dahil matapos ang isang taon, isang libong travel activities agad ang naidagdag. Bawat araw, libu-libo ring travelers ang nakapag-a-avail ng Klook service.
Ang kinagandahan sa Klook, napadadali na ang buhay natin sa pag-avail ng travel attractions, nabibigyan pa tayo ng guide, nakakakuha pa tayo ng discount! Kadalasan kaya, sa mga travel agencies, may mga commission pa at dagdag na singil sa serbisyo nila, pero sa Klook wala! Ang plataporma talaga ng Klook ay matulungan ang mga travelers na makaikot sa magagandang atraksyon sa Asya sa sulit na presyo. Kaya ano pang hinihintay n’yo? Gumawa na ng Klook account para in na in ka!
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo