SIGURADO NA ang pagpasok ni Kobe Paras sa UCLA. This will be right after finishing his high school eligibility at LA Cathedral Phantom, ang basketball team ng LA Cathedral High School kung saan siya nag-aaral ngayon.
Ang kapatid niyang si Andre Paras, labis ang tuwa nang mabalitaan ang tungkol dito.
“He personally call us,”aniya. “No’ng tumawag siya sa amin, I think hapon do’n tapos umaga dito sa Pilipinas. Nagising kaming lahat sa bahay. Ibinalita niya sa amin ‘yong tungkol sa UCLA. So, we were so happy no’ng tumawag siya. And after that we did a video chat.”
Nakatutuwa na kung siya ay gumagawa ng pangalan dito bilang actor at TV host, si Kobe naman ay sa larangan ng basketball doon sa Amerika.
“I’m very proud of him nga. Parang sabi nga nila, it’s true enogh na naghati kami ni Kobe sa talents ni dad (Benjie Paras). Basketball and acting. Si Kobe, what he’s doing now of course is also… concentrating on his studies aside from basketball. Which is really important. Tapos focused din siya sa pagwu-work out at pag-i-improve as a basketball player.”
Hindi na talaga paaawat si Kobe sa target niyang baskletball career sa US. Marahil ay pangarap nga nito na makapasok din sa NBA.
“Everytime na nagkakausap kami, he’s telling us na… he’s doing good in basketball. Na he learned something new. Actually he is telling me about school din talaga. And what he is doing now since he’s third year high school pa lang, he is focusing in school and graduating first.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan