BIDANG-BIDA NA sa pelikula ang young actor na si Kokoy Desantos, isang 15-year old bagets actor na alaga ng DMV Entertainment ni Manny Valera, sa pelikulang Tumbang Preso.
Isa itong napapanahong pelikula tungkol sa human trafficking at child labor exploitation, at gumaganap si Kokoy bilang isa sa mga batang minamaltrato sa isang sardines factory na gustong tumakas.
Mula pa noong mas bata pa siya, pinagdaanan ni Kokoy ang maraming bit roles and supporting roles, and take note, nakatrabaho niya rin ang ilang batikang director tulad nina Joey Reyes sa Mga Mumunting Lihim at Chito Roño sa Emir.
Kay rami na rin niyang naging teleserye sa ABS-CBN, GMA at TV5, at lumabas sa ilang TV commercials. Pero finally ay nabigyan nga ng break na ito to be a lead actor in Tumbang Preso, written and directed by Kip Oebanda, produced by Spears Films ni Albert Almendralejo.
Kung ang ibang bagets actors like him ay mga “rom-com” or kilig films ang “launching movie”, si Kokoy ay kakaibang genre ng pelikula – suspense thriller, at sabi nga ng director, ayaw niyang magpaka-drama sa pelikulang ito.
Sabi ni Kokoy, unforgettable sa kanya ang experience na ito at sana raw ay mapansin ang acting niya, more than anything else.
Kasama rin ni Kokoy sa Tumbang Preso sina Kean Cipriano, Therese Malvar (dating Teri Malvar), Ronnie Lazaro, Dominic Roco, Kerbie Zamora (na alaga rin ng DMV), Ron Cieno (kapatid ni Coco Martin), and Ms. Jaclyn Jose. May special participation dito si Shamaine Centenera Buencamino.
Ipapalabas na ito ngayong October 8, exclusively sa SM Cinemas in Metro Manila at sa Davao City.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro