BLIND ITEM: LIKE a sweet ham sandwich, hindi uubra ang garnishings nitong sliced tomato and cucumber with mayo sa “pagkakaipit” din ng isang komedyana sa ngayo’y naglalabasan nang sentimyento ng isang sikat na aktres patungkol sa kanyang kapwa aktres .
Let’s assign trees sa ating tatlong bida: tawagin nating Acacia ang komedyana, ang nagmamarakulyong aktres bilang Sycamore at ang katunggali nitong aktres bilang Kamagong.
Acacia is the common denominator to both Sycamore and Kamagong. Minsan nang gumawa ng pelikula sina Acacia at Sycamore, kung saan naibulalas lahat ni Sycamore ang kanyang mga kinikimkim na sama ng loob kay Kamagong.
Pero tila mas malalim ang namamagitang friendship (this is also how they address each other) between Acacia and Kamagong, palibhasa ay iisa lang ang kanilang business consultant (so, you want us to assign a tree to the latter? Puwes, siya si Bakawan!). On top of this, Acacia and Kamagong are together in a weekend talent search program for all of Pilipinas to be proud of!
These days, ang noo’y palihim na sama ng loob ni Sycamore sa kanyang kinaaanibang istasyon ay isinambulat na niya, as though she would never settle to be “the biggest loser” in a network kung saan siya ang mas nauna, ergo, she deserves more TV assignments, higher talent fees and better treatment.
Disgruntled, pinag-iisipan na raw ni Sycamore na lumipat ng istasyon if such preferential treatment is accorded to Kamagong. And which is a better network that Sycamore can plant her “seedling” kundi ang istasyon, na ang nagmamay-ari —whether by consanguinity or by affinity— is related to her husband?
With Acacia, Sycamore and Kamagong bilang mga bida sa kuwentong ito, ikatutuwa ito ni Joyce Kilmer!
DESPITE GMA CORP Comm’s downright, deliberate snobbery sa aming tungkulin bilang pioneer staff ng Startalk (since Day One, FYI!) who dabbles into media reporting ay ipinagbubunyi pa rin namin ang 16th year ng naturang showbiz-oriented talk show.
Eksaktong 16 years ago bukas (October 8) nang mag-pilot ang Startalk, then a Sunday program, na katapat ng Showbiz Lingo ng ABS-CBN hosted by Cristy Fermin at Butch Francisco. In case the Johnnys-come-lately over at Ms. Angel Javier’s turf do not know, we started it all kaya huwag umarte ang pinamamahalaan niyang departamento, that needs a major PR overhaul!
Over this period, patunay lang na sa negosyong ito—volatile as it actually is—nothing is permanent except change, as the hackneyed word goes. Ang mga orihinal na hosts ng Startalk na sina Boy Abunda at Kris Aquino ay nasa ABS-CBN na, while Butch has switched places to become Kuya Boy’s immediate replacement in Startalk. Much later, after all the alternating hosts ay pumirmi na si Joey de Leon, a self-confessed tsismoso who has been enjoying Startalk’s tsismis stuff for more than six years now.
Pero gusto kong isipin, much less ipaalam sa mga manonood ng Startalk that the real heroes—aside from its hosts—ay ang staff nito, mula sa may pinakamataas na tungkulin hanggang sa utility. Para sa mga taong ‘yon ang karapat-dapat na pagdiriwang ng anibersaryo ng anumang programa.
MALA-ISANG RECENT FILM ang untitled episode ngayong Biyernes ng Face To Face.
Taped in Laguna, kuwento ito ng mga tricycle driver na sina Bornok at Jong na bukod sa isyu ng relyebuhang pagmamaneho nila ng iisang sasakyan ay sangkot din sila sa “swapping” ng kani-kanilang mga dyowa.
Matapos magkaayos ang dalawang partido ay gumanti naman ang isa sa pang-aahas sa nobya ng kapwa trike driver. Ahasan, sulutan, agawan ng girlfriend ng may girlfriend ang tsikang sosolusyunan today ni Tyang Amy Perez.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III