LIKE A SWEET ham sandwich, hindi uubra ang garnishings nitong sliced tomato and cucumber with mayo sa “pagkakaipit” din ng isang komedyana sa ngayo’y naglalabasan nang sentimyento ng isang sikat na aktres patungkol sa kanyang kapwa aktres .
Let’s assign trees sa ating tatlong bida: tawagin nating Acacia ang komedyana, ang nagmamarakulyong aktres bilang Sycamore at ang katunggali nitong aktres bilang Kamagong.
Acacia is the common denominator to both Sycamore and Kamagong. Minsan nang gumawa ng pelikula sina Acacia at Sycamore, kung saan naibulalas lahat ni Sycamore ang kanyang mga kinikimkim na sama ng loob kay Kamagong.
Pero tila mas malalim ang namamagitang friendship (this is also how they address each other) between Acacia and Kamagong, palibhasa ay iisa lang ang kanilang business consultant (so, you want us to assign a tree to the latter? Puwes, siya si Bakawan!). On top of this, Acacia and Kamagong are together in a weekend talent search program for all of Pilipinas to be proud of!
These days, ang noo’y palihim na sama ng loob ni Sycamore sa kanyang kinaaanibang istasyon ay isinambulat na niya, as though she would never settle to be “the biggest loser” in a network kung saan siya ang mas nauna, ergo, she deserves more TV assignments, higher talent fees and better treatment.
Disgruntled, pinag-iisipan na raw ni Sycamore na lumipat ng istasyon if such preferential treatment is accorded to Kamagong. And which is a better network that Sycamore can plant her “seedling” kundi ang istasyon, na ang nagmamay-ari —whether by consanguinity or by affinity— is related to her husband?
With Acacia, Sycamore and Kamagong bilang mga bida sa kuwentong ito, ikatutuwa ito ni Joyce Kilmer!
(By Ronnie Carrasco III)