BLIND ITEM: NATATAWA pa rin kami hanggang nga-yon ‘pag naaalala namin ang kuwento sa amin ng ilang cast ng isang comedy show sa tuwing sila’y magte-taping.
Paano kasi, ‘yung isang komedyanteng bading ay me-rong ‘ugaling baboy’.
Minsan, sisitahin niya ‘yung ilong ng isang kasama. Hahawakan niya ito. “Nagpagawa ka ba ng ilong?”
Maya-maya, may maaamoy ‘yung may-ari ng ilong. “‘T*ngna mo naman, ang baho ng kamay mo, eh!” Tawanan sa paligid. Pa’no kasi, ang baboy ng ko-medyante.
Ugali na niyang sundutin ng daliri niya ang puwet niya, tapos, ‘yung daliring galing do’n eh, ihahawak niya sa ilong ng ibang hindi pa kabisado ang “drama” niya.
“Hayop din ‘yan kung umutot. Ila-lock niya ‘yung door, tapos, halos hindi na kayo makahinga sa baho. Kakapit talaga sa damit mo ‘yung amoy ng utot niya!”
Hahahaha! Gagah talaga ang komedyanteng ito. Kagalang-galang pa naman ang name, pero may kababuyan din pala. Hahaha! Karakter talaga.
“ASAP RAINS!” ‘YAN dapat ang title nu’ng Sunday, dahil live silang nag-show sa Davao habang malakas ang ulan.
Sumusulpot lang ang mga artista sa stage, kung hindi naka-kapote ay nakapayong.
Pero ang nakakabilib du’n, kahit umuulan, hindi binigo ng ASAP Rocks ang magbigay ng kasiyahan sa lahat ng Dabawenyo.
‘Yung iba siguro, willing magpakabasa, pero maiintindihan din natin kung hindi gawin ‘yon ng iba, dahil mahirap nang magkasakit kung kinabukasan ay may naghihintay pang trabaho sa kanila, ‘di ba?
Pero gusto namin silang saluduhan, dahil aliw pa rin ang kanilang episode.
NAALALA NAMIN SI Matt Evans nu’ng kinuha naming mag-show sa Bicol. Umulan nang bongga. Binibigyan ng payong o kapote, hindi kinuha.
Ang ginawa niya, nag-perform habang nababasa sa ulan. Lalong nagpalakpakan ang mga Bicolano. Humanga sila nang bongga kay Matt.
Kaya after the show, binati namin ang binata. “Wala ‘yon, Kuya. ‘Yung mga tao nga, nababasa eh. Dapat, samahan ko rin sila, ‘di ba?”
GUSTO MO BANG mag-artista? Malay mo, pasok ka sa banga, este, sa bahay ni Kuya sa Season 4 ng Pinoy Big Brother bilang housemate.
Kung interesado ka, ‘eto ang mga dates of audition: March 4 – 8AM to 3PM, SM Mall of Asia Music Hall, Pasay City, Metro Manila (line starts at the Planetarium Parking); March 10-Pangasinan; 16-Davao; 24-Laguna; April 6-Bacolod; 18-Ormoc; June 4-Cebu; 9-Bukidnon; 15-Zamboanga.
Qualification: 18 to 35 years old. Requirement: One valid ID (SSS, TIN, Driver’s License, Passport or School ID). Para may idea kayo kung sure na ba kayong maging housemate at maging artista: pls visit http://www.ogiediaz.blogspot.com
Oh My G!
by Ogie Diaz