Komedyanteng si Joy Viado, patay sa atake sa puso

 alt=

Joy Viado
Joy Viado

Sumakabilang buhay na ang komedyanteng si Joy Viado sa edad na 57 matapos itong atakehin sa puso Sabado (September 10) ng gabi.

Sa text message na ipinadala ng bestfriend ni Joy na si Annette Lucido kay ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe, sinabi nito bandang alas-8:55 namatay si Joy dahil sa heart attack at dead on arrival sa Quezon City General Hospital.

Ipinost ni MJ Felipe sa kanyang Twitter account ang kabuan ng text ni Annette Lucido: “Breaking: From Annette Lucido – I am sorry to inform u that my good friend, joy viado, joined her creator at 8:55pm, Saturday, sept 10, 2016. She was pronounced doa at the hospital due to heart attack. ,We are still making arrangements. Will keep u posted once everything is final.”

Sa interview sa anak ni Joy na si Joseph Christopher sa DZMM, sinabi nito na nahirapang huminga ang kanyang ina nang dumating sa kanilang bahay mula sa bahay ng isang kaibigan.

Dagdag pa ng anak, “Tapos nung tinakbo namin siya sa hospital, sa kotse pa lang eh, talagang nahihirapan na siya. Sa hospital, sinubukang i-revive pero…

Ayon pa kay Joseph, ibuburol ang kanyang ina sa Arlington Memorial Chapels.

Noong 2000, na-diagnose si Joy na may diabetes at dumaan sa apat na operasyon para maalis ang sugat sa kanyang mga paa at para maiwasan ang tuluyang pagkaputol.

Lumabas si Joy sa mga TV show tulad ng “Kokey@Ako”, “Pidol’s Wonderland”, “Bagets: Just Got Lucky”, “Wako Wako”, “Got To Believe”, at “LUV U”. Huli niyang nilabasan ang “Dear Uge” bida si Eugene Domingo.

Sa pelikula, nakasama siya sa “Cinco”, “Desperadas 2”, “Zsazsa Zaturnnah”, “My Illegal Wife”, “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” at nagbida sa indie film na “MNL 143”.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleHeart Evangelista, ayaw na munang tumanggap ng teleserye
Next articleSister ni Maritoni Fernandez, biktima ng extra-judicial killing?

No posts to display