Kontra mahirap na polisiya sa valenzuela

ANG LUNGSOD NG Valenzuela ay pinamumunuan ng kasalukuyang ‘multi-millionaire’ na si Sherwin Gatchalian.

Kaya naman maraming taga-Valenzuela City ang natuwa noon na milyonaryo ang kanilang mayor.

Dahil ang akala nila ay mas maraming maiaabot na tulong sa kanila ang milyonaryong mayor.

Mali sila, parekoy… dahil makunat pa raw ito sa belekoy!

Hak, hak, hak, buti nga sa inyo… akala ninyo ‘yung perang umikot noong election ay pasimula lang, hano?

Heto pa ang maganda, parekoy.

Nagpatayo ang Valenzuela City ng bagong city hall.

Ang ganda naman talaga… kaya nga medyo nagyayabang na ang kaibigan kong taga-Valenzuela.

Kamukat-mukat mo, nawala ang yabang ni bespren, bakit?

Aba eh, pang-mayaman lang pala ang kanilang bagong city hall!

Tumpak, parekoy, hindi makapapasok sa bago nilang city hall ang mahihirap na taga-Valenzuela City.

‘Yon bang walang kakayahang bumili/ magsuot ng sapatos!

“No shoes no entry policy” ‘ika nga.

‘Yan, parekoy, ang dahilan kung bakit ang bespren ko na dating nagmamayabang sa kanilang bagong city hall ay nagngingitngit ngayon dahil nga d’yan sa lintek na policy.

Na ang hindi nakasuot ng sapatos ay hindi makapapasok sa nasabing city hall.

Paalala lang natin sa multi-milyonaryong si Mayor Sherwin Gatchalian na hindi niya sariling pera ang ipinatayo ng nasabing city hall.

Meaning, hindi niya ito pag-aari.

Taumbayan ang may-ari niyan, mayor!

Pati ‘yang mga walang sapatos na taga-Valenzuela City ay mga may-ari rin ‘yan!

Kasama sila sa nagluklok sa iyo d’yan sa pedestal.

At sila rin ang magpapalayas sa iyo d’yan, mayor, kung hindi mo aalisin ang “policy” mo na ‘yan!

Anumang comment o reaction, paki-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleWalang Bisang Kasunduan
Next articleAktor, hiniwalayan ng dyowa dahil sa pagiging ‘kiss and tell’!

No posts to display