SIGURADONG matinding pressure ang naramdaman ng versatile Kapuso actress na si Glaiza de Castro dahil mataas ang expectations ng televiewers sa programang ‘Contessa’.
Ang kanyang bagong pinagbibidahang programa kasi ang pumalit sa timeslot ng Ika-6 na Utos, na 15 months ang itinagal sa ere.
Sa katunayan, may sepanx (separation anxiety) ang mga loyal viewers ng Ika-6 na Utos dahil naging outlet na nila ang pasabog na fight scenes nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon) na nakakainis man panoorin, entertaining pa rin.
Like Sunshine Dizon, ginampanan din ni Glaiza ang iconic Encantadia role na Pirena kaya hindi maiiwasang ipagkumpara sila.
Ang mga nang-aapi ngayon ang inaapi!
Kung pagbabasehan ang first two episodes ng Contessa, masasabi namin na may potential na tumagal din ang programa.
Lauren Young is not the typical sexy kontrabida at refreshing ang kanyang atake bilang Daniella. Kapag Glaiza de Castro ang bida, dapat ay mapantayan man lang o malampasan ng kontrabida ang angas niya. May ilan na ring netizens na nagsasabi na si Daniella ang bagong Georgia, na mas sosyal pero palengkera rin makipag-away para sa pag-ibig.
Nakaka-excite kung paano magtatransition from martyr to Palaban ang karakter ni Glaiza. Inaabangan din namin kung may ibubuga ba si Jak Roberto bilang leading man na hindi pabebe.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club