MINSAN AY NAGPUNTA ako sa isang job fair na inisponsor ng aming mayor. May mga recruitment agency roon na nagpapa-fill up ng mga application form. Naging interesado ako roon sa mga opening sa South Korea. Sabi nila, pumunta raw ako sa opisina nila sa Malate para malaman ko ang detalye. Binigyan po nila ako ng listahan ng mga requirement. Kabilang doon ang listahan ng mga clinic na puwede akong magpa-medical exam. Kailangang dala ko na raw ang resulta ng medical exam ko pagpunta ko sa kanilang opisina. ‘Di po ba ako puwedeng pumili ng sarili kong clinic o ospital? ‘Di po ba puwedeng isagawa ang medical exam ‘pag matatapos na ang processing ng mga papeles ko? Kasi po eh, marami pa akong pagkakagasatusan liban pa sa medical exam. — Lily ng San Pablo City
REQUIREMENT TALAGA ANG medical bago ka makapag-abroad. Anong klase ang gagawing medical? Depende ito sa hinihingi o requirement ng employer. Iba-ibang employer ay iba-iba rin ang klase ng hinihinging medical. Sa mga sea-based workers, ang medical exam ay dapat naaayon sa international standards.Tungkol naman sa clinic o laboratory, ang ahensiya ang magsasabi sa iyo kung ano ang mga clinic na puwede mong puntahan. Pero tiyakin mo lang na accredited ng DOH ang nasabing mga clinic.
Sa kaso mo, hindi rin dapat i-require agad ang medical hangga’t hindi ka pa nai-interview at nagpre-qualify. Papaano kung ‘di ka makapasa sa interview? Walang saysay ang naging medical mo pati na ang ginastos mo para rito.
At mas mahalaga, huwag kang magpapa-medical hangga’t walang kontrata para sa iyong employment. At ang kontratang ito ay dapat aprubado ng POEA.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo