Kontrata ng Seaman

KAMAKAILAN AY nag-apply ako sa isang manning agency para sumampa ng barko bilang seaman. Kumpleto na ang lahat ng requirement ko pati ang medical at lahat ng clearance. Pero nang basahin ko ang kontrata, ako ay nagulat dahil hindi kasama rito ang overtime, leave pay at iba pang bonus. Gayundin, walang probisyon para sa backwages, separation pay o reinstatement kung sakaling umalis ako sa trabaho.

Matagal-tagal na rin akong unionista rito sa Pilipinas sa mga pabrika na aking pinagtrabahuhan. At alam ko na palaging nasa kontrata namin ang ganitong mga benepisyo. Pangkaraniwang inilalagay namin ang mga ito sa CBA o collective bargaining agreement.

Itutuloy ko pa ba ang application ko? Hindi ba ako agrabyado sa kontratang lalagdaan ko? —

Melvin ng Tanza, Cavite.

 

SA PANGKARANIWANG employment contract ng isang marino, hindi talaga isinasama sa kwenta ang overtime, leave pay at iba pang bonus.

Sa ilalim naman ng RA 8042, walang karapatan sa full backwages, o separation pay o reinstatement ang isang OFW. Masakit man, iyan ang pinaiiral ng Korte Suprema sa mga desisyon nito.

Iyan ang kaibhan ng isang OFW at lokal na manggagawa rito. Hindi isang regular na empleyado ang OFW. Siya ay contractual lamang at pangkaraniwang dalawang taon ang pinakamatagal niyang kontrata.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleAlbie Casiño & Eula Caballero:
Angel of Mine!
Next articleAnak, Ipinagbibili!

No posts to display