UP FOR ‘GABS’: SA trade launch ng mga programang ABS-CBN kelan lang, napakalakas ng palakpak ng mga advertisers at iba pang guests nang tawagin ang pangalan ni Piolo Pascual. Pero when Gabby Concepcion’s turn came, aba, mas malakas pa ang tinamo nitong pag-welcome sa mga advertisers na susuporta sa Dahil May Isang Ikaw kung saan kasama siya na pinagbibidahan nna Kristine Hermosa at Jericho Rosales with Lorna Tolentino.
Malinaw ang sinabi ni Gabby na susuportahan na siya ng ABS-CBN all the way-sa TV man o sa pelikula dahil binili na diumano ng management ang kontrata niya from Rose Flaminiano.
At sa tsika’ng ipinakilala na sa kanya ng dalagang si KC si Piolo Pascual, isa lang daw ang hiniling niya, na huwag siyang tawaging Dad nito but Kuya!
UP FOR ‘GABS’ KA-TOQUE!: KUNG may capping na tinatawag ang mga guma-graduate n nurses, sa mga itinatanghal namang certified chefs ay ang toque (pronounced ‘touk’, meaning a woman’s close-fitting hat usually with no brim; a man’s hat of the 16th century, with a small narrow brim and pleated fullness on top, decorated with a plume) naman ang ipinutong sa aktres na si Sylvia Sanchez nang tanggapin nito ang katibayan ng pagtatapos sa The Academy for International Culinary Arts o A.I.C.A. kelan lang.
Proud na proud ang mister ni Ibyang na si Art Atayde at ang kanilang mga anak nang mag-graduate si Ibyang sa Lancaster Hotel kung saan ito ginanap.
“Nakita ko naman talaga ang hirap. Sa ibang batches, may mga nawala na talaga. Kasi, ‘pag nag-absent ka, uulit ka na naman. At magbabayad ka na naman uli kasi nga, sa mga ingredients at ibang mga gamit na kailangan mo.”
Full course ang kinuha ni Ibyang. Kaya sa batch niya, siya pa ang tumanggap ng Award in Academic Excellence in Food Safety and Sanitation.
Nang mag-bakasyon naman sa Europa ang pamilya ni Ibyang kelan lang, isang biyaya pa rin ang ipinagkaloob ng Panginoon sa kanya dahil magiging nanay na naman siya ng baby’ng made in Paris!
KIMI’NG DORA: ANG sosyal ng ambience ng press conference para kay Eugene Domingo ng Spring Productions nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo, at dalawa pang partners para sa Kimmy Dora nito, ha. Sa C & E Bookstore dun sa Quezon Avenue.
Dahil ba ito sa isang cerebral actress na nagka-award na sa ilang pelikula niyang si Euge kaya gano’n ang ambience?
Tawa nang tawa ang bagong bida sa kanyang launching movie. Masayang-masaya.
Pero pansin ng iba, parang may lungkot pa rin daw sa mga mata ni Euge. Tinangka namin itong tanungin kung dadalo ba sa premiere ng kanyang pelikula sa September 1 ang parents niya.
Simple lang ang sagot nito, baka raw hindi. Nasa probinsya raw kasi ang mga ito.
Palaisipan ang binitiwan nitong mga kataga, na “Mahirap maging anak.” Although sinundan niya ito ng sundot na “Nagpapasalamat ako at nagkita kayo at ginawa n’yo ako!”
Loveless at 38, mas gusto na raw niya na maging focused sa kanyang career.
Siya na ba ang susunod sa yapak ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na unang-una nga raw nakaka-alam ng mga nangyayari sa kanya sa Facebook?
May nagbigay na ng titulo sa kanyang Dyosa ng Katatawanan. Keri?
The Pillar by Pilar Mateo