Kontrobersiya sa pagitan ng MMFF at pelikulang “Honor Thy Father”, diringgin na sa Kongreso

 alt=

Imbitasyon Ng Kongreso Para Sa Preliminary Hearing Sa MMFF-Honor Thy Father Controversy
Imbitasyon Ng Kongreso Para Sa Preliminary Hearing Sa MMFF-Honor Thy Father Controversy

Nakatakdang magsagawa ng preliminary hearing ang Kongreso sa sa petisyong inihain ni Laguna Congressman Dan Fernandez kaugnay ng disqualification ng “Honor Thy Father” sa Best Picture category sa naganap na Gabi ng Parangal ng 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Gaganapi ang pagdinig sa Lunes, January 11, simula ala-una ng hapon sa pangunguna ni Congressman Winnie Castelo, kung saan tatalakayin ang umano’y iregularidad sa nakalipas na MMFF.

Hindi naman inaasahan ng direktor ng pelikula na si Direk Erik Matti na mabilis na aaksyunan ng Kongreso ang petisyon ni Cong. Dan Fernandez, aktor din sa nasabing pelikula.

Sa kanyang Facebook post: “I didn’t know that this probe will happen so soon. ‪#‎HonorThyFather‪#‎MMFF2015Scandal.”

Kalakip ng post niyang ito ang imbitasyon ng Kongreso para sa nasabing pagdinig.

Kabilang sa mga inimbitahan ng Kongreso ang 16 na miyembro ng MMFF Executive Committee, kasama sina Senator Grace Poe, Mayor Herbert Bautista, Direk Mark Meily, Boots Anson-Rodrigo, Jesse Ejercito, MTRCB Chairman Toto Villareal, Marichu Maceda, at MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos, overall chairman ng MMFF.

Sa bahagi ng “Honor Thy Father“, imbitado ang mga producer na sina Dondon Monteverde, Direk Erik Matti, at John Lloyd Cruz, na bida rin sa nasabing pelikula.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan ng MMFF Executive Committee at mga bumubuo ng “Honor Thy Father” nang idiskwalipika sa Best Picture category ang pelikula sa Gabi ng Parangal dahil sa paglabag umano nito sa panuntunan ng MMFF.

Nanindigan naman ang mga bumubuo sa pelikula na nagbigay sila ng abiso sa MMFF ExeComm kaugnay ng pagsali ng kanilang pelikual sa Cinema One Originals Festival noong November 8, kung saan sinulatan umano nila ang mga ito bago pa man maganap ang MMFF.

Sa panig ng MMFF, naging makatao pa umano sila sa kanilang desisyon na sa isang kategorya lang idiskwalipika ang pelikula.

Nanalong Best Director si Direk Erik para sa pelikula.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articlePia Wurtzbach, uuwi ng ‘Pinas
Next articleVic Sotto at Pauleen Luna, inilabas na ang listahan ng wedding entourage

No posts to display