BLIND ITEM: KUWENTO ito ng isang TV personality noong nasa bakuran pa siya ng isang istasyon. Saksi raw kasi siya sa “baptismo” ng isang kontrobersiyal na aktor who, at 13, got exposed to booze.
Karaniwan naman daw kasing nagkakaroon ng kasiyahan ang mga staff ng network, malimit siyempreng mangyari ‘yon after a hard day’s work at nearby bars kung saan walang umuuwi—as a matter of exaggeration—na hindi gumagapang sa sobrang kalasi-ngan. Mala-initiation rites.
First time daw ng noo’y may-gatas-pa-sa-labing aktor na maglaklak, pero goodbye milk, hello liquor! Tungga keti tungga raw ang aktor, palibhasa curious without realizing kung ano ang magiging epekto ng tila’y wala nang bukas niyang pagpapakalunod sa alak.
Ang ending: Nang balikan daw ng nakasaksing TV personality ang bagets actor, kulang na lang, pati menudensiya nito’y isuka niya!
Many years later, ang noo’y maagang na-expose sa pagtoma ay hindi na sumusuka… kundi isinusuka na dahil may masamang epekto ang alak sa kanya.
Kailangan ko pa bang “isuka” ang kanyang pangalan?
TINAWAG NA “KURYENTE” (dud, and in police reporting parlance, bum steer) ng respetadong editor-columnist na si Ricky Lo ang feed ng kanyang DPA (Deep Penetration Agent…or Di Pala Aasahan?) na matsutsugi na ang Bubble Gang as referred to in his blind item.
Trivia lang muna: Matanda lang ng isang araw ang naturang gag show sa Startalk, both were launched at Ciudad Fernandina in Ortigas, Greenhills in 1995, Sunday pa noon ang naturang talk show.
Aminadong nag-panic ang BG staff sa item ni Tito Ricky, kaya kagyat ding naglabas ng official statement ang GMA, citing its consistently high ratings kaya imposibleng masibak ito. How very responsible of Tito Ricky to immediately run a disclaimer in his column that BG is here to stay.
Hindi lang naman BG ang programa na naba-blind item na mamaalam na. In a separate column item—hindi kay Tito Ricky—soon to be axed na rin daw ang isang show with an atmosphere of “party-party.”
Dalawa lang naman ang puwedeng pagpilian dito: Party Pilipinas ng GMA at P.O.5 ng TV5 (the P originally stood for “Party”). Ang dahilan: sobrang magastos daw ang pananamit sa mga on-camera talents nito ga-yong mga starlets lang naman!
So, which is which?
WHAT DO THE lead stars of TV5’s Babaeng Hampaslupa have in common? Ang title roler nitong si Alex Gonzaga and her love interests Martin Escudero and Alwyn Uytingco began their showbiz career in Star Magic of ABS-CBN.
Ano naman ang pagkakapareho nina Alex at Martin? Both have been “rechristened.” Cathy Gonzaga ang unang pangalang ginamit ni Alex, while Martin used to be Mark Butler then later Mart Escudero when he joined the earlier batch of Starstruck.
What about Alex and Alwyn? Kamukha lang naman ni Alwyn ang dyowa ni Alex na si Kean Cipriano. Sina Martin at Alwyn, may commonality rin ba? Eh, di si Jennica Garcia, Martin’s past and Alwyn’s present.
Teka, ang mismong pamagat din ba ng kauna-unahang primetime drama ng TV5, pareho rin ba ng 1950s movie ni Alicia Vergel at 1990s movie ni Maricel Soriano? Well, this is where the big difference lies.
Babaeng Hampaslupa is an original concept inspired by the slums in Tondo, kung saan ang hampaslupa ngang si Grace (Alex, close to being a taong grasa) perseveres in life in search of her real identity.
Totoo nga bang reward ito ng TV5 management kay Alex for her network loyalty?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III