HINDI PA RIN humuhupa ang Korean fever sa bansa. Ramdam na ramdam talaga ang init ng pagtanggap ng Pinoy fans sa Korean artists mapa-drama man o kanta. Tiyak na lalagnatin na naman ang mga die-hard K-Pop lovers dahil darating sa bansa ang hottest Korean idol na si Kim Hyun Joong kasama ang Korean boy group na BEAST para sa isang concert na pinamagatang “K-Pop Meets P-Pop: Kim Hyun Joong and Beast Live in Manila” sa Araneta Coliseum sa June 19, 8 P.M.
Sino ba naman ang hindi makakikilala kay Kim Hyun Joong? Bata man o matanda ay tiyak na kilala siya bilang si Yoon Ji Hoo, the calm and charismatic gentleman of F4, sa hit Korean drama series na Boys Over Flowers na ipinalabas sa ABS-CBN. Who wouldn’t fall for his gorgeous looks and silent demeanor? If Geum Jan Di chose Gu Jun Pyo, tiyak na marami namang girls ang siguradong mag-uunahan para kay Ji-Hoo.
Aside from acting, Kim Hyun Joong is also the leader of SS501 which debuted in Korea in 2005. It’s astonishing that despite the language barrier, Pinoys love anything and everything K-Pop. Halimbawa na rito on how Pinoys can sing SS501’s songs Because I’m Stupid and Making A Lover na pawang kasama sa OST ng Boys Over Flowers. Their song Love Like This is steadily climbing its way to the top of the MYX Chart. Ito ay nasa Number 8 sa MYX Hit Chart (May 23-29) at Number 7 sa MYX International Top 20 (May 22-28).
Ang BEAST ay isa sa mga prominenteng Korean boy groups na binubuo nina Doo Joon, Hyun Seung, Jun Hyung, Yo Seob, Gi Kwang at Dong Woon. Si Doo Joon ang leader, vocalist and rapper; si Hyun Seung ang vocalist, lead dancer; si Jun Hyung ang main rapper, vocalist; si Yo Seob ang main vocalist; si Gi Kwang ang lead vocalist, main dancer; at si Dong Woon ang vocalist. BEAST stands for Boys of the East Standing Tall. Ang kanilang albums ay Beast Is The B2ST at Shock Of The New Era. Sikat din ang kanilang kantang Bad Girl, Mystery, Shock at Special.
Kahit last year lang nag-debut ang BEAST sa Korea ay nakakuha na sila ng awards tulad ng Ministry of Culture, Sports and Tourism: Rookie Music Award, Cyworld Digital Music Awards: Rookie of the Month (“Mystery”) at 19th Seoul Music Awards: Best Newcomer Award. Ang mga kanta mula sa kanilang second mini-album na Shock Of The New Era ay strong contenders din sa Korean music chart. “Shock” was Number 1 on Cyworld’s Music Realtime chart.
Their other songs were also on various music charts like “Take Care of My Girlfriend” (Say No) was Number 10, “Just Before Shock” was Number 13, “Easy” was Number 14 and “Special” was Number 19.
“K-Pop Meets P-Pop: Kim Hyun Joong and Beast Live In Manila” is produced by Underwood Plan in partnership with GMA-7. The concert is for the benefit of Abiertas House of Friendship – for the benefit of young mothers.
The concert is presented by Underwood Plan and GMA-7. Official Music Channel is MYX. Media partners are Manila Bulletin, Philippine Star, PBO, Viva Cinema, Magic 89.9, 90.7 Love Radio, 91.5 Energy FM, 97.1 Barangay LS FM, 101.1 Yes FM and 103.5 Max FM. Special thanks to MCA Universal Philippines.
Mabibili ang tickets sa halagang P7,840 (Patron A), P6,720 (Patron B), P4,480 (Lower Box), P3,360 (Upper A), P1,680 (Upper B) at P784 (General Admission). Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa Ticketnet 9115555, Viva Concerts 6877236 and 6333808 at sa Abiertas House of Friendship 7243969.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda