SLOWLY BUT SURELY. ‘Yan ang napansin namin sa development ng Filipino-Korean series na “My Korean Jagiya” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Korean leading man na si Alexander Lee.
Sa totoo lang, may pagka-slow ang unang linggo ng programa kaya hindi kami masyado nag-pay ng attention. Idagdag mo pa na kalaban ko sa TV ang lolo’t lola ko na nanonood palagi ng “A Love to Last” at solid TonDeng fans.
The fact din na si Heart Evangelista is already married and sa standards ng iba ay ‘quite old’ na for this genre counts. Pero lahat naman ng nakanood sa past projects ni Heart ever since she started her showbiz karir sa Dos ay alam na comedy ang kanyang specialty.
Sa current episodes ng My Korean Jagiya ay mas lalong naaaliw ang TV viewers sa pagiging kikay at relatable ng character ni Heart as Gia, na may sham marriage ngayon kay Jun Ho (Alexander Lee). Marami rin ngayon ang imbey sa karakter ni Valeen Montenegro at halos lahat ng cast members ay swak sa kanilang roles. In short, walang patapon.
Marami na rin ngayon ang nahuhumaling kay Alexander Lee. Aminin natin – hindi siya kasing pogi ng mga Koreanovela leading men na nakasanayan natin mapanood, pero meron siyang appeal na habang tumatagal ay tumataas ang interes mo sa kanya. Kahit in real-life ay marami ang nagsasabi na very loving ito sa mga fans at madalas makipag-interact.
Nakakatawa ang recent episode nila na kinunan sa bonggang Las Casas de Acuzar, kung saan sinabi ni Jun Ho kay Gia na ‘isuko na ang kanyang Bataan’. Kaloka!
Good news na pumipick up at mas mataas diumano ng My Korean Jagiya ang katapat nitong programa na heavy drama. Kunsabagay, sa ngayon ay mas gusto na ng audience ang mas relaxed at not-so-dramarama na show bago matulog. This just shows na hindi pa rin matitinag ang hakot ni Hearty sa primetime at may demand talaga para sa ganitong klaseng palabas. Aja!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club