GRABENG FEVER ang dala ng Korean Superstar na si Lee Min Ho, isa sa mga global ambassadors ng Bench. Dahil sa meet and greet nito sa mga press people, dumagsa ang ‘di mabilang na dami ng tao na nag-aabang kay Lee Min Ho sa Bench Tower na matatagpuan sa Bonifacio Global City.
May mga dala pang picture, poster at kung anu-ano pa ang Pinoy fans nito para maipakita ang pagmamahal at suporta sa kanilang idolo.
Tsika nga ni Lee Min Ho, ang mga fans niya ang kanyang everything. Turing niya sa kanila ay mga kaibigan at mababait na lovers at sila ang dahilan king bakit lagi siyang inspirado sa trabaho. Ang mga fans dito ay mas “passionate, good natured and exudes a lot of femininity.”
Pareho niyang gusto ang pag-arte at pagkanta. Mas naaliw siya sa instantaneous reactions ng fans ‘pag concert. Mas damang-dama niya ang pagmamahal nila kesa sa TV.
Say ni Lee Min Ho, ang pagiging Bench ambassador ay highlight ng kanyang career. Pangako niyang babalik at wish niya para sa mga fans, dapat lagi silang happy at alagaan ang kanilang health.
MAY MGA bagay raw na gustong i-improve ng magka-loveteam ng Got To Believe ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kaniyang sarili.
Tsika nga ni Kathryn about sa kung ano naman ang dapat i-improve ni Daniel, “’Yung unang-una talaga, ‘yung sa time po talaga. Inamin na naman niya. Kasi ayoko talagang naghihintay, ako ‘yung taong ayokonmg naghihintay. Kaya tuwing nale-late siya, super, ayun, nag-aaway kami dahil du’n.
“Pero ayun, nag-i-improve na siya ngayon. Hindi naman ‘yung away na sigawan. Ako kasi, tahimik lang, tahimik lang. Ganu’n din siya, ‘pag galit siya, parang tahimik lang kami. So mararamdaman or makikita na lang.”
Samantalang Kay Kathryn naman daw ay gusto raw nito na maging mas open-minded ang dalaga, ayon kay Daniel.
WAGI BILANG Honorable Mention para sa Best Supporting Actor category sa 16th Long Island International Film Expo (New York, USA) para sa kanyang hindi matatawarang pagganap sa pelikulang Oros ang ENPRESS Best Supporting Actor para rin sa nasabing pelikula si Kristoffer Martin, kung saan pormal na igagawad ang mga parangal sa July 19, 2013.
Mahigit sa 150 short at feature-length independent films ang kasali mula sa iba’t ibang bansa sa mundo ang nasabing festival.
Hindi makapaniwala si Kristoffer sa pagkilalang kanyang natanggap mula sa bumubuo ng Long Island International Film Expo. Itinuturing daw nito na napakalaking blessing sa kanya ang Oros. Dahil sa pelikulang ito kaya niya nakuha ang first major award niya, tapos ngayon Honorable Mention for the Best Supporting Actor category pa sa ibang bansa.
John’s Point
by John Fontanilla