Korina Sanchez at Karen Davila, nagiging laman din ng balita

Korina Sanchez and Karen Davila
Korina Sanchez and Karen Davila

Isang post-election question ang hinahanapan namin ng sagot over at ABS-CBN. With a TV network as gigantic as “multi-cultural” as the Kapamilya station, hindi maiaalis na noong kasagsagan ng eleksiyon ay hati ang sentiments ng mga mismong tao roon in terms of their political choices.

Dalawa sa taga-news and current affairs—Korina Sanchez at Karen Davila—were open kung sino ang kanilang minanok sa pagka-Pangulo. Understandably, Korina Sanchez was for her husband Mar Roxas; lantaran naman ang paghanga ni Karen kay Rody Duterte for nailing the toughest questions sa huling debateng pinangasiwaan ng ABS-CBN.

Ewan kung off-camera ay friends sina Korina at Karen Davila, or there’s no need to build friendship in a world where they’re both expected to just work, which is to deliver the news. But they’re news themselves without them being aware of it.

SA PAGTATAPOS ng isa na namang makasaysayang kaganapan sa ating bansa, we can only hope for a revitalized nation sa pamamagitan ng mga bagong pinuno na tunay na tutugon sa ating mga priority concerns at mga isyu sa iba’t ibang aspeto: (not in this particular order) ekonomiya, paglikha ng mga trabaho, kalusugan, edukasyon, kapayapaan at kaayusan, agrikultura, kahirapan, territorial disputes, katiwalian sa pamahalaan, climate change, and the list goes on and on.

Since nabawasan na ang air of political exuberance until it disappears, isantabi na rin natin ang mga sugat na iniwan ng pulitika that divided a nation in its choices. At kung sinuman ang mapalad na successor ni PNoy—siya man o hindi ang ating ibinoto—he or she has a whole lot of items on the check list para pag-aralan kung paano niya ito mareresolba.

While likas na sa ating mga Pinoy ang mainipin who think problems can be solved overnight, isipin natin that we have chosen leaders, not super heroes with supernatural powers who promise a super nation above all.

Tayo bilang mga mamamayan ay meron ding papel na dapat gampanan, nang hindi iniaasa lang sa gobyerno ang direksiyon ng ating buhay. In the meantime, let’s get started from where we left off.

CONTRARY TO earlier reports, hindi kinat-short ang pagsasahimpapawid ng “Born To Be a Star”. Sa katunayan, gaganapin na this May 29, Sunday, ang grand finals which will determine kung sino—of all the promising star hopefuls—will likely follow in the footsteps of Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Mark Bautista, etc.

Initially though, tuwing Sabado at Linggo umeere ang “BTBAS”. But TV5 had to give way to its “new, improved” Saturday primetime block para sa mga shows like “#ParangNormalActivity”, “Wattpad Presents”, Tasya Fantasya (na natapos na) nightcapped with “MTV Top 20 Pilipinas” all produced by Viva Communications until “BTBAS” maintained its regular Sunday slot.

As promised, the first ever grand “BTBAS” champion gets P1 million, house and lot and a five-year management contract with Viva.

The still remaining Sundays (dalawa na lang) have five hopefuls competing for that elusive star, kung saan ang mananalo’y kabilang na sa maglalaban-laban for the grand finals.

Samantala, sa mga boys and girls na magaling kumanta, sumayaw at umarte, may tsansa pa kayong lumahok sa SM Little Stars now celebrating its 10th year. Merong online application forms which may be accessed at www.smlittlestars.com.ph. Screenings are still held on May 14, 15, 21 and 22 at the SM malls.

Over P6.5 million in prizes are at stake para sa mananalo, plus a trip to China, a brandnew car, 500,000 worth of gift certificates, a management contract and a scholarship grant from the National University.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMasikip na kalsada
Next articleFil-Am na si Angel Bonilla, pambato ng Pinas sa International Pop Music Festival sa Europe

No posts to display