MAS LIGHT at hindi na stressful para kay Korina Sanchez ang pagho-host ng kanyang mga programa sa telebisyon tulad na lang ng TikTalks sa TV5 kung saan isa rin siya sa producer.
Unang nakilala si Korina bilang broadcast journalist or news anchor at namayagpag ang career sa radio at telebisyon for almost 25 years.
“I am really enjoying the lighter side of things because honestly, I really don’t take myself that seriously,” ani Korina.
“Oo, sa news kailangan siyempre seryoso, factual. A whole organization is behind every news item.
“But as a person, if you take yourself that seriously, talagang life is short. And I want to live very long kasi maliliit pa yung mga anak ko.
“Three years old pa lang sila. I have to be one-hundred twenty years, kaya kailangan maraming tawanan,” sabi pa niya.
Samantala, tatlong taon lang pala ang paalam ni Korina sa kanyang pamilya para sa mga ginagawa niya ngayon sa TV.
“Ang paalam ko naman kasi sa pamilya ko, sa asawa ko, just give me three years to do everything that I want to do. Kasi siyempre, kailangan na din ng mga bata ng tutok,” sambit niya.
As for her TikTalks, hosts din ng programa sina Alex Calleja, Kakai Bautista, G3 San Diego, and Pat-P Daza. Mapapanood ito on December 3, 2022, via TV5 and Cignal TV.