KUNG SA piguratibong pananalita ay nakapikit at nagmumuta na ang mata ng bagyong Yolanda, in the international broadcast industry ay nasa mata ‘ika nga ng journalistic storm ang ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez.
Ito’y makaraang kinuwestiyon ni Korina ang accuracy sa ibinabalita ng CNN reporter na si Anderson Cooper na nasa mismong siyudad ng Tacloban kung saan pinadapa ito ng naturang mapaminsalang kalamidad.
Isang dayuhang mamamahayag si Anderson. Kung tutuusi’y maaaring kapos ito sa kaalaman sa topograpiya ng Eastern Visayas na sentro ng Yolanda. Pero ang masaksihan niya mismo ang kalunus-lunos na sitwasyon lalung-lalo na sa lungsod ng Tacloban na pinaigting pa ng inamin naming mabagal na pagkilos ng ating gobyerno, wasn’t Anderson merely stating the facts based on his first-hand account?
Para kay Korina, why take offense at the report, eh, sa totoo naman talagang malaki ang pagkukulang ng pamahalaan kung saan kabilang mismo ang asawa mong si DILG Secretary Mar Roxas?!
Nagsalita na ang mga mismong biktima, kesyo wala silang natatanggap na maagap na ayuda mula sa gobyerno, yet you, Ms. Sanchez, are not only convinced by the victims’ pronouncements but you also seem insensitive to their plight?!
At ang the height, Ms. Sanchez, kasama na rin bang inanod at inilibing ng bagyong Yolanda ang dapat sana’y Code of Ethics expected of you to abide by bilang isang mamamahayag to lambast on air a fellow broadcaster just because Anderson Cooper happens to be a foreigner?
Worst of it all, sa halip na makakuha ng mga kakampi si Korina sa kanyang mga mismong kababayan, the entire Pinoy netizenry is up in arms against her!
CERTIFIED KAPUSO anew si Ryan Agoncillo via GMA’s newest game show Picture! Picture!
The newly-conceptualized show that airs after 24 Oras weekend news every Saturday is quite familiar with tablet users na kinaadikan, ang 4 Pics application. Ang kaibahan nga lang, there are four contestants who make up a team sa show ni Ryan, kung saan may sampung picture-aided questions na may ascending price value.
Para sa pilot episode nito, tinipon ng PP ang mga pinakamatitinik sa dance floor na sina Rochelle Pangilinan, Mark Herras, Wynwyn Marquez at Rodjun Cruz.
We saw part of the taped episode, and in fairness, excitement is built up as the game show progresses.
Sino kaya kina Rochelle, Mark, Wynwyn at Rodjun ang mag-uuwi ng kalahating milyong piso? Abangan sa Sabado!
Aktres, nagpa-auction ng sirang high-heels!
BLIND ITEM: Isang auction ang isinagawa ng isang programa kung saan ibinenta nito ang mga gamit at damit na idinoneyt ng ilang mga artista, proceeds of which would go, if not nakarating na by now sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
In fairness, mapakikinabangan pa ang mga ‘yon except for a pair of high-heeled shoes donated by an actress. Kulay itim ito na may black transparent plastic na bukod sa nanggigitata ay sira pa!
Hindi naman sa pagmemenos ng mga gamit na ino-auction, tiyakin din sana ng ilang artista kung mapapalitan ng halaga ang kanilang idino-donate para mapakinabangan ang perang ‘yon n gating mga kapuspalad na kababayan.
Siguro naman, sa dinami-dami ng mga sapatos meron ang aktres na ito, maanong namili naman siya ng medyo maayus-ayos?
Kaya tuloy siya hinihiwalayan ng dyowa para ipagpalit sa anak ng isang sikat na singer-actress, ‘no!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III