Korina Sanchez, may nakatago ring kabaitan

Korina-SanchezIT WAS a small yet heartwarming birthday umpukan that took place one evening in Malabon, kung saan ang mga magkakaututang-dila were TV reporters who have circled around the country’s major networks.

Simple pero punum-puno ng mga rebelasyon ang kaswal na tsikahan sa okasyong ‘yon, where never-before-told truths about certain TV personalities were exposed.

Literal na iimpis at liliit sa hiya ang pambato ng siyudad na ito ang matabang noodles ng pancit Malabon sa kuwentong ibinahagi ng isa sa mga bisita roon. Siya lang naman ang taong higit na nakakakilala sa premyadong news anchor ng ABS-CBN, si Korina Sanchez-Roxas, one of the most misconstrued TV figures.

Gaano nga ba ang pagkakakilala ng publiko sa palabang brodkaster na ito?

Let’s do a multiple choice: a.) a fashionista; b.) a straightforward newshen who speaks her mind kesehoda kung sino ang tatamaan; c.) a slavedriver sa kanyang staff who hates papetiks-petiks discharge of duties; d.) an anti-police base na rin sa kanyang mga batikos sa ilang tiwaling kapulisan; e.) an untouchable personality in ABS-CBN lalo’t ang dyowa niya ay identified sa Pangulo.

And f.) all of the above.

All these seem to paint an ugly picture of Korina. Even this writer believes that there’s more evil than good to her persona.

Pero biglang napalitan ng paghanga ang aming maling panghuhusga kay Korina, a story that we are eager to share with the misinformed public who thinks she’s a bad girl, base na rin sa anekdota ng isa sa mga nasa umpukan na ‘yon.

Christmas party ‘yon nang tipunin ni Korina ang kanyang loyal staff na matagal na niyang nakakatrabaho. Aabot daw sa kinse ang bilang ng mga tauhang ‘yon na kumpleto na nang datnan ni Korina sa venue ng okasyon.

Sa halip daw na bumati muna ng “Merry Christmas!” si Korina, wala man sila sa banyo ay sinabon niya ang mga ito sa tonong pananaray. Sinampolan daw muna niya ang isang baklang staff, “Oy, ikaw, sa mga lalaki mo yata napupunta ang mga kinikita mo! Hindi ka man lang mag-ipon, paano na ‘pag tanda mo?!”

Napayuko na lang daw ang napahiyang bading, tanda ng pag-amin. Sumunod na pinagtripan daw ni Korina ay isa pang staff, “Oy, ikaw naman, bakit hindi mo na ‘ko binalitaan tungkol sa tatay mong maysakit? Ang lagay, eh, ako pa ang lalapit sa ‘yo, ikaw ang lumapit sa akin, ‘no! Dahil alangan namang pabayaan kita!”

Sa puntong ‘yon daw, her staff had a collective feeling na ang dapat sana’y masayang Christmas party na ‘yon turned out to be like the Biblical sermon at the mount. All of them simply bowed their heads in shame.

Korina then shifted gear. Pasko nga naman ‘yon, she needed to cheer up everyone. With her were envelopes na inihanda na niya bilang regalo sa kanyang staff.

Balik tayo sa bumabangkang tagadepensa ni Korina sa Malabon birthday umpukan, pahulaan nito: “Can you guess kung ano’ng iniregalo ni Korina sa staff niya? Basta mamahalin ‘yon! Clue, huwag n’yo ‘yon isnabin!”

Kanya-kanyang hula ang naroon. iPad? Laptop? Fat cash? European trip?

Isa-isa nang iniabot ni Korina ang envelope sa staff. Pauna niya, “O, sana naman gamitin n’yo itong ibibigay ko sa inyo sa magandang paraan… pahalagahan n’yo ito para sa pagtanda n’yo, eh, makikita n’yo naman ang bunga ng inyong pinaghirapan,” or words to that effect.

Without saying what that aguinaldo exactly was, Korina hinted na bayad na raw ang kalahati ng total value na ‘yon, sa pakikipagtulungan sa financing corporation at sa ABS-CBN na magkakaltas sa kanilang sahod para sa balance nito.

Nang buksan daw ng staff ang laman ng envelope ay hindi nila napigilang maluha sa sobrang galak: titulo lang naman ‘yon ng house and lot.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSari-saring chikka 11/20/13
Next articleLaway Lang ang Puhunan

No posts to display