PALASAK NA si Korina Sanchez sa pagiging sablay niya sa kanyang mga interviews, lalo na sa mga issues na delicate. Lalo pa’t isyu ito na may pagkasensitibo na kailangang ingatan niya ang kanyang mga tanong.
Hindi na bago, ‘ika nga, kung ang isyu ay ang pagka-ewan ni Tia Koring as a “journalist” daw. Sa katunayan, topic siya palagi sa mga laitan ng mga mainstream journalist na dedicated sa kanilang trabaho at alam ang tamang ethics sa kanilang propesyon. ‘Ika nga, ang daming kuwento tungkol kay Tia Korning na tuloy naging laughing stock siya ng mga kasama niya sa trabaho.
Pinagtatawanan sa social media ang recent interview niya sa kanyang subject na may “ostegenesis” (brittle bone disease). Tanong ni Tia Koring: “Ano ang nararamdaman ng nababalian ng buto?” Na walang kagatul-gatul ang tanong niya sa dalagita with matching pa-drama effect pa ang tiyahan n’yo na hindi man lang nag-isip.
Komento ng isang netizen: “Stupid question. I would reply masarap Korina mabalian ng buto. Do you want to feel the pain?”
Hahaha! Hindi na ito bago kay Korina at ang sablay niya na mga questions na very insensitive.
Si Korina, misis siya ni Sec. Mar Roxas na nagangarap maging future president of the Philippines. Dios mio por santo!
Si Tia Koring, siya ang “future” Hillary Clinton at Michelle Obama ng ating bansa. Type mo? P’wede kaya? Sus ginoo!
Sa totoo lang, ‘di hamak na mas sensitive si Kris Aquino kapag nag-i-interview siya. Mas magaling si Kris at hindi put-on kapag kaharap na ang kamera.
Reyted K
By RK VillaCorta