KAWAWA NAMAN si Korina Sanchez. Bina-bash ngayon ng maraming netizens, dahil sa sinabi nito sa closing ng “TV Patrol” kamakailan na sana ay sa Japan na lang tumama ang bagyo at ‘wag na sa Pilipinas, dahil mas kaya raw ng Japan kesa ‘Pinas.
Medyo pinairal na naman daw ni Madam Koring ang kataklesahan. Meron pang kumo-comment na, “Mas bagay kay Kris Aquino ang pagkataklesa, hindi sa ‘yo. Dahil si Kris, keri niya.”
Meron pang nag-post ng blog na idineklara na raw ng Japan si Korina bilang persona non grata na ang ibig sabihin ay banned na sa Japan ang broadcaster. Pero ang pagkakasulat ay satirical lamang at isa lamang hoax, pero pinatulan pa rin ng ibang “gullible” netizens, kaya bugbog ngayon mula sa netizens si Korina.
Alam naman namin na hindi mini-mean ni Korina na tumama ito sa Japan. Jokingly lang ‘yon, pero sabi nga, sa panahon ng kalamidad, hindi panahon para mag-joke o magbiro nang gano’n. Unless, pangatawanan nga naman ni Ms. Korina na mini-mean niya ang sinabi niya.
‘Pag nagkataon, lalo siyang isusumpa ng netizens.
Kaya “quiet” na lang at ‘wag na itong palakihin pa.
TULAD NA lamang ng pagkakatumba ng motor na sinasakyan ni DILG Secretary Mar Roxas na nakunan pa ng retrato na hindi siya naka-helmet. Naku, katakutakot na bashing na naman ang natanggap ni Sec. Mar mula sa netizens.
Bakit daw ba ‘yung gumagawa ng batas, sila pa’ng unang sumusuway?
Oh, well… kung tutuusin talaga, may point naman sila rito. Dapat talaga, sa lahat ng pagkakataon, dapat, gawin pa rin ang tama. Mag-helmet para ‘pag nadisgrasya eh, maisalba ang pinakaimportanteng bahagi ng katawan.
Agad namang ipinagtanggol ng Malacañang si Sec. Roxas. Ang sabi, naghagilap na lang ng motor si Sec. Mar, dahil wala ngang makadaang sasakyan para malibot ang mga lugar na napinsala sa Eastern Samar. Hindi na rin daw nakapaghagilap ng helmet, dahil wala ngang available na helmet.
Well, ganito lang naman kasimple ‘yan. Kung hindi naman talaga tumumba ang motorsiklong sinasakyan ni Sec. Mar, do you think, me isyung ganito?
Anyway, ingat-ingat na rin tayo at all times.
Oh My G!
by Ogie Diaz