NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isusumbong ko lang po ang mga kotong cops sa Meycauayan, Bulacan na nakasakay sa mobile na may plakang SKE 643 at body number na 399. Nakapuwesto sa paglagpas ng stoplight sa Malhacan Road pa-NLEX. Kawawa kaming mga tuck driver dahil P100.00 ang hinihingi nila sa amin. Sana po ay matugunan ninyo ang reklamo namin.
Nais ko po sanang humingi ng tulong tungkol sa aming nasirang tulay papunta sa Brgy, Pilar na sakop ng Calbayog City. Mahigit limang buwan na itong naputol pero pinalitan lang ito ng local government ng kahoy na tulay. Marami na pong mga motorista ang nahulog dito dahil masyadong madulas at baku-bako. Napakadelikado po. Sana ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
Itatanong lang po kung ilang taon po ba talaga bago maibigay ang voter’s ID? Kasi mag-aapat na taon na simula ng nakapagparehistro ako rito sa Baybay City, Leyte ay hanggang ngayon, wala pa rin ang aming ID. Naka-ilang balik na kami sa Comelec para mag-follow up pero wala silang maisagot kung kailan talaga lalabas ang ID namin.
Irereklamo ko lang ang paniningil ng P30.00 para sa test paper ng mga estudyante at P100.00 para sa contingency fund dito sa Malabanias Integrated School dito sa Brgy. Malabanias, Angeles City, Pampanga.
Dito sa Miguel Cruz Memorial Elementary School sa Sta. Maria, Bulacan ay naniningil ang mga teacher ng P10.00 tuwing may exam.
Sa Constancio Aure Jr. National High School sa Asis, Mendez, Cavite ay may sinisingil ang mga teacher na P230.00 para sa film showing, P150.00 para sa PTA, P50.00 para sa electric fan, P50.00 para sa security guard at saka P50.00 para sa toilet. Taun-taon po ang nangyayaring paniningil na ginagawa nila sa school.
Isa po akong concerned parent at irereklamo ko lang po iyong paniningil ng P40.00 para sa bingo cards dito sa Northville High School sa San Fernando, Pampanga.
Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal dahil grabe ang lubak-lubak ng kalsada. Kami pong mga tagarito ang nagdurusa pati na ang mga estudyante. Sana po ay maaksyunan.
Sana po ay matulungan n’yo kaming mga motorista na dumadaan sa C-6 Road Taguig, sa may tapat ng isang resort dahil grabeng lubak-lubak na kalsada na nagiging dahilan din ng mahabang trapiko.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo