NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED
Isa po akong driver ng trailer truck dito sa pier at reklamo ko lang po ang grabeng kotongan dito sa loob lalo na sa mga operator ng crane. Sana po ay maaksyunan. Salamat po.
Reklamo ko lang po na rito sa lugar namin na ginawang paradahan ng mga tricycle at sasakyan iyong kalsada. Halos araw-araw na lang ang traffic. Dito po ito sa Brgy. Sinalhan, Sta. Rosa, Laguna.
Irereklamo ko lang po iyong ginawang parking lot ng mga sirang sasakyan ang C-5 side road na north bound. Dahil po dito ay lalong nagiging traffic sa nasabing lugar.
Kami po ay mga tauhan ng BJPM Dapa at humihingi po kami ng tulong para mapabilis ang pag-release ng honorarium namin kasi mula noong nakaraang eleksyon magpasahanggang ngayon ay wala pa kaming natatanggap na honorarium mula sa Comelec. Pakitulungan n’yo po kami.
Isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang po na rito sa boundary ng Tanza at Trece Martirez, Cavite ay laging may usok ng basura mula gabi hanggang umaga. Marami na pong mga residenteng nagkakasakit dahil sa mabahong usok.
Irereklamo ko lang ang school ng anak ko rito sa Pinagbarilan Elementary School sa Baliuag, Bulacan dahil sa dami ng bayarin. Naniningil po kasi ng P200.00 para sa kurtina, halaman, table, electric fan, at floorwax. Sana po ay mahinto na ang ganitong mga bayarin para sa mga estudyante.
Gusto ko lamang pong isumbong iyong Mercedes National High School sa Eastern Samar dahil naniningil sila ng bayad para sa kung anu-ano tulad ng ID, library ID, logo sa T-shirt, atbp.
Isusumbong ko lang po iyong Pagsawitan Elementary School sa Sta. Cruz, Laguna dahil naniningil po kasi ng P50.00 sa bawat estudyante upang pambili umano ng elecric fan.
Sana po ay matulungan ninyo kaming lahat tungkol sa problema naming mga parents dito sa Casambalangan National High School sa Cagayan dahil sobrang laki ng P1,200.00 na bayarin sa school samantalang isang public school po ito.
Hihingi lang po sana ng tulong para mapatigil ang paniningil ng P60.00 sa mga mag-aaral ng Concepcion Elementary School dito sa Marikina.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo