Kris Aquino’s Game Show Will Be Aired Weekly

BLIND ITEM: SINO raw itong isang TV personality na instant sikat at ayan, nasa isang everyday live show, ang pinag-uusapan sa mismong studio nila.

Pa’no raw kasi, bukod sa mabagal nang magbasa sa teleprompter ay madalas pang mag-buckle at magkamali-mali ng mga words na binabasa.

Sabi nga namin sa aming kausap, normal lang ‘yon. Una, nobody’s perfect. Kahit sa amin noon sa Umagang Kay Ganda, nagkakanda buckle-buckle din kami.

“Pero ito, nakakalokah, mare. Iniiba niya ang words ng binabasa n’ya. Binabasa na lang, minamali pa ang basa, ‘kalokah!”

Oh, well…at this point, ayaw naming husgahan ang naturang instant TV personality.

Mas gusto naming isenyas ang aming daliri ng “peace” dahil mas gusto naming mangibabaw ang “peace, peace, peace!” with matching “sis boomba!”

TUWING SABADO NA lang pala starting this week ang The Price Is Right ni Kris Aquino, ‘no?

Ito ay papalitan na ng Maria La del Barrio nina Enchong Dee at E-rich Gonzales.

Actually, meron nang dalawang nagtanong sa amin kumba’t gano’n ang nangyari? Hindi raw ba masyadong pinapasukan ng commercials?

Mahina raw ba’t hindi pumapalo sa ratings?

Sa mga tanong na ‘yan ay wala talaga kaming maisagot. Hindi rin naman kami textmates ni Kris Aquino para out of the blue ay itatanong namin ‘yon sa kanya, ‘di ba?

Anyway, ano pa man ang mangyari kahit iakyat pa ang The Price Is Right sa madaling-araw, hindi na mabubura ang katotohanang Kris Aquino is Kris Aquino.

Just like the classic cliche Anna Dizon is Anna Dizon.

NAGBABALIK NA NAMAN ang isang gagong gumagamit ng aming pangalan para makapang-eklat ng mga artista.

Ang latest victim na nagpapanggap na “Ogie Diaz” ay si JM de Guzman. Nag-DM (direct message) sa aming twitter account si JM at tinanong nito kung nanghihingi raw kami ng number ng mga artista.

Sabi namin sa kanya, “Nako, nabuhay na naman pala ang hayup na ‘yan. ‘Yan ‘yung paiba-iba ng number at nagpapanggap na ako. Pero nanghihingi lang ng number ng mga artista.”

“Ah, talaga po? Lagot, eh, ang dami ko nang numbers na ibinigay du’n, eh. Kasi, naniwala akong kayo ‘yon, dahil kilalang-kilala ako, eh!”

Sana, manahimik na ‘tong hayup na ‘to, ‘no? Nabubuhay siya sa pagkukunwari. Kawawang nilalang.

SA MGA NAKAKALIMOT, bukas na, March 29, ang 9th death anniversary ng isang taong minahal ng napakaraming tao, dahil napakabait.

Halos buong Pilipinas, lumuha sa kanyang pagpanaw. Biyernes Santo noon at biglang nag-on-air ang GMA-7 at ABS-CBN, dahil nga kumalat sa text brigade ang pagyao ng pinakamamahal naming young actor.

Mula sa Dos Palmas, Palawan, inihatid ng helicopter na pag-aari ng ABS-CBN ang kanyang mga labi sa Maynila, dahil sa “bangungot.”

Sana nga, bangungot lang ang lahat at buhay pa siya hanggang ngayon. Si Mr. Dimples Rico Yan.

Ayan, naluha na naman ako. Bigla kong na-miss ang bruhong ‘yon. Pagmultuhan mo nga ako, Rico, para du’n man lang, makatsikahan kita, pls?

Pasyalan n’yo naman ang aking blogsite sa www.ogiediaz.blogspot.com, tapos, mag-comment kayo, ha? O, kaya, sundan n’yo kami sa twitter @ogiediaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleSarah Geronimo-Cristine Reyes-Rayver Cruz Issue: Over And Done
Next articleVenus Raj Accepted ABS-CBN Offer Because of the Station’s Strong Signal in Bicol

No posts to display