MAY KASAMA kami sa panulat na natulak sa event na ipinatawag ni Gov. Vilma Santos sa Calaca, Batangas kamakailan.
Sa dami ng taong dumalo sa event ay kasama sa natulak ang isang beteranong writer. Sinasabing isang tomboy raw ang walang patumanggang nagtulak sa reporter kaya nagkaroon daw ng sagutan sa pagitan nila.
Siyempre nga naman, dumayo pa ang reporter dahil sa paanyaya ni Gov. Vilma pero nabastos siya. Bisita siya ng mga oras na iyon at ganoon pa ang nangyari. Hindi ba nakakahiya iyon sa part ng gobernadora.
Da who kaya ang tomboyitang nanulak sa reporter? Member kaya siya ng staff ni Gov. Vi? Pakisagot nga, Ate Vi.
KRIS AQUINO engulfed the whole stage with her innate loquaciousness.
Sa sobrang kadaldalan ni Kris sa presscon ng Segunda Mano, talbog niya ang lahat. Ang dami pa niyang mga intriguing sound bytes na talaga namang pag-uusapan.
“The trailer is nothing,” one-liner ni Kris matapos ipalabas ang trailer ng Segunda Mano. Later, sinabi niyang “the movie is one million times better than the trailer.”
“Doon sa last twenty minutes, sinabi ko nga kaya kong itaya hindi lang ang pangalan ko kundi pangalan ng buong angkan namin. It’s the best 20 minutes I’ve ever seen of any movie I’ve done,” litanya pa ng taklesang TV host.
At ‘di pa doon nagtatapos si Kris. Hirit pa nito, “Kung performance at performance ang pag-uusapan natin, he (Dingdong) should be best actor… not just for the festival but for the entire year.”
HINDI MAKAKALIMUTAN ni Cristina ang surprise birthday party na inihanda ni Ariel sa kanya noong kaarawan niya last November 30.
“For the first time in my life nagkaroon ako ng surprise party. Iba pala ‘yung pakiramdam na wala kang kaalam-alam tapos bigla ka na lang dadalhin doon sa isang lugar na nandoon ‘yung mga taong malapit sa buhay mo,” tsika ni Cristina sa thanksgiving party niya for the press.
“Kaya ako nabigla, si Ariel lagi kong kasa-kasama. Hindi ko alam na nakapag-ayos siya ng isang surprise birthday party. Hindi ako makapaniwala na ang daming taong nagkakantahan. Ang tagal bago ko naisip na birthday ko pala.”
Blessed ngang masasabi sina Cristina at Ariel.
“Maraming magandang nangyari sa amin ni Ariel. ‘yung pangalan niya nasa walk of fame ba ‘yon sa Marikina. Tapos binigyan siya ng shoeperstaraward. Ni-recognize siya. Ito ay para sa mga taong successful na nakatira sa Marikina. Ako naman, binigyan ng Rotary Club International ng bets leadership award for 2010-2011. Tapos binigyan ako ng Global Excellence Award for best humanitarian and business. Ang Gawad Amerika naman na hindi ako nakarating, ay binigyan ako ng award. Si Mommy Elvie naman ay may Best Inspirational Performer of the Year sa Consumer Award. So, ang daming magagandang nangyayari na sabi ko hindi naman mangyayari ito kung hindi tayo binibigyan ng magagandang write-up ng mga press,” tsika ni Cristina.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas