LAST SUNDAY sa studio 7 ng GMA, nakatsikahan namin si German Moreno bago magsimula ang carolling ng PMPC sa ilang artistang lumalabas sa Sunday All Stars.
Hiningan ng reaction si Kuya Germs kung alin sa walong pelikulang entries sa Metro Manila Film Festival ang sa palagay niya ang magna-number one, two at three sa takilya?
“Alam ninyo dahil magpa-Pasko, gusto ng mga tao ay maging masaya. Nandiyan ang pelikulang sinamahan nina Ryzza Mae Dizon at ganoon din, may pelikula rin ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby,” bungad ni Kuya Germs.
“Puwede rin ang katatakutan at action, pero dahil nga mas gusto ng tao na maging masaya ay mas lamang ang mga masasaya at nakaaaliw na movie,” patuloy pa ng Master Showman.
Lahat ng mga artistang may pelikulang entry sa MMFFP ay na-interview na ni Kuya Germs. Pero nagtataka at nag-iisip lang ang nag-iisang Master Showman nang kausapin niya ang cast ng Feng Shui ay si Coco Martin lang ang nagpaunlak magpa-interview, wala si Kris Aquino.
Nagtataka tuloy si Kuya Germs kung sadyang iniiwasan siya or ayaw magpa-interview raw sa kanya ni Kristeta?
Hindi naman daw nagtatampo si Kuya Germs kay Kris kung ayaw nitong magpa-interview sa kanya. Nagtataka at nag-iisip siya kung ano raw ba ang tunay na dahilan. Samantalang kapag nag-interview siya ng mga artistang may pelikula sa MMFF ay present lahat ang cast.
Sabi pa ni Kuya Germs, tanungin daw namin ni Kris kung bakit si Coco lang daw ang nagpa-interview sa kanya?
Anyway, nang tanungin ko si Kuya Germs sa pagpasok daw ni Willie Revillame sa GMA 7 next year, walang alam daw ang Master Showman. Consultant kasi si Kuya Germs sa GMA 7 kaya kahit paano ay may alam ito sa mga shows na nakatakdang ilabas sa Kapuso Network sa pagpasok ng taong 2015.
Tungkol naman sa mga artista na hindi nakasipot sa Walk of Fame na nangyari kamakailan ay sakaling maging available na raw ang mga ito next year ay puwedeng dumalo uli sa susunod na may ilalagay uling pangalan ng celebrities sa project ni Kuya Germs na Walk of Fame.
Siyanga pala inaanyayahan ng Master Showman ang lahat na abangan ang mga pasabog na mangyayari sa Walang Tulugan with The Master Showman na napapanood every Saturday sa GMA 7.
KAHIT HINDI pinalad ang magandang si Hanna Ledesma sa nakaraang Binibining Pilipinas pageant ay naging daan naman ito para mapansin ang beauty niya dahil isinama siya sa Kubot: The Aswang Chronicle movie ni Dingdong Dantes na entry sa darating na Metro Manila Film Festival.
Graduate ng business management sa Ateneo de Manila si Hanna at nakapagtrabaho na rin ito sa isang kilalang IT corporation.
Sadyang para kay Hanna ang showbiz dahil ang role na dapat sana kay Lovi Poe ay ipinagkatiwala sa kanya ni Direk Erik Matti nang magback-out ang girlfriend ni Rocco Nacino.
“I am thankful kay Lord dahil dream come true ito para sa akin. I really wanted to give showbiz a try and isang malaking project kaagad ang ipinagkatiwala at ibinigay sa akin.
“Thank you kay Direk Matti for being so nice at kay Dingdong Dantes for being so supportive sa first movie ko with hin,” pagtatapos ni Hanna.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo