NAG-REACT NA ngayon si Kris Aquino sa mga bumabatikos sa kuya niya na si Pres. Noynoy Aquino.
Nanahimik lang daw siya nu’ng tinitira ang kapatid niya, pero ngayong naipakita na may nagawa ang kuya niya sa kaso ni Mary Jane, nag-react na si Kris at nag-post ito sa kanyang Instagram account.
Sabi niya, “I kept quiet and just prayed. Left and right paulit-ulit na walang ginawa, walang effort, walang malasakit, patalsikin, walang nagawa si Noynoy.
“Our whole family prayed, of course for Mary Jane and her family, but I prayed deeply for the Holy Spirit to guide my brother and his government to find a way to spare the life of fellow Filipino. To find a reason compelling enough for the Indonesian government to give Mary Jane Veloso a reprieve, and it came because of testimony regarding the greater problem of HUMAN TRAFFICKING.
Sabi pa niya, “I firmly believe that we must respect the laws of each country, and as Filipinos we wll take offense when other countries will dictate upon us..But we are a God fearing, faithful nation. And He heard our collective prayer.
“And I kept quite with the endless attacks against PNoy because that was his reminder to me. But today it is my right and my privilege to say, “I AM PROUD of my brother. I AM PROUD OF MY PRESIDENT.”
Puring-puri nga raw sina PNoy at Kris sa IG account ng huli. Walang may nagsabi ng nega kundi super-praise silang magkakapatid, lalo na si PNoy.
Samantalang sa ibang social media at blog, tuluy-tuloy pa rin ang pamumuna kay PNoy. Kaya talagang loyal ang mga followers ni Kris sa kanyang Instagram account. Bongga, ‘di ba?
Anyway, abangan n’yo na lang itong kuwento namin sa Startalk bukas.
Basta ang masasabi ko lang, kung may nagawa nga si PNoy sa ‘di pagtuloy sa pagbitay kay Mary Jane, nakalimutan na natin ngayon ang 44 SAF members na nagbuwis ng buhay nila sa mismong lugar natin?
Nabigyan na ba nang hustisya ang pagpaslang sa kanila? Paano na ang mga naiwang pamilya ng mga nasirang SAF, na ang iba raw ay hindi pa rin natupad ang pangakaong suportang ibibigay sa kanila?
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis