ANO BA Kris Aquino ang gusto mo? Urong-sulong ka sa kung ano ang gusto mo sa buhay, sa relasyon ng anak mo sa kanyang ama at sa kung ano mang taktika na nasa utak mo.
Gusto mo ba talagang mapalapit ang anak mo na si Bimby sa dati mong mister na si James Yap o hindi?
Ito kasi ang usapan matapos ang Father’s Day na nag-e-emote si Kris na hindi man lang daw nagkasama ang mag-ama sa mahalagang araw na ‘yun, gayong nag-effort naman siya na ma-contact si James para magkasama sila ni Bimby.
Ang kampo ni Tetay, naglabas ng panibagong isyu laban kay James na nasa bakasyon sa Europe kasama ang sinasabing bagong girlfriend nito, na pinalalabas nila na isang iresponsableng ama si James, na ayon sa abogado ng basketbolista, may mga patunay sila na noon pa man ay may mensahe na sila kay Kris para maabisuhan ang Queen of All Media na mahiram nito ang anak na tila deadma naman ang reaksyon nitong huli.
Kami man, nalilito. Ano ba’ng gusto ni Tetay mangyari, gawing kalakal ang anak at ang isyu nila ng dating asawa gayong napaka-simple lang naman ang dapat niyang gawin, huwag ipagmaramot si Bimby sa tatay niya sa lahat ng pagkakataon. Kung gustuhin man ni James mahiram si Bimby, anytime, walang scheduling – walang batas-batas o utos ng korte, kung gusto ni Tetay maging normal ang relasyon ng anak sa kanyang ama.
Sa bawat reklamo ni Kris sa media at pagsusumbong sa publiko sa mga nangyayari sa personal niyang buhay, lalo lang niya hinahain ang anak sa kontrobersiya. P’wede naman silang mag-co-exsist ni James para pagtulungang palakihin si Bimby nang normal.
Hindi naman kalakal si Bimby na sa bawat kibot, sa bawat isyu, palalakihin (sinasadya man niya o hindi) para pagpistahan ng media at uriratin ng publiko.
Actually, kasabay ng Singapore Tourism Board press conference to promote Kris visit sa “Sin City” ay sabay naman ang pagsusumbong niya sa media tungkol sa diumano’y nakalimutang “Father’s Day” date ni James at Bimby.
Kung ako ang strategist ng Singapore Tourism Board, foul ang anggulo. It wlll not help invite more tourist visit the city just because of the never ending “fiesta” on Kris’ personal life.
Kawawang Bimby, kalian kaya magiging normal ang buhay niya. Basta sa ganang amin, huwag magsisi si Kris sa kanyang mga “showbiz” na hakbang at taktika. Kahit sabihin man ni Kris na: “I will always do what is best for my son.” Okey. Sabi mo ‘yan, ha!
KILIG NGA kung araw-araw ini-expect ng boyfriend mo ang text message mo kahit minsan sa isang araw.
Kaya naman may-kilig factor pa rin hanggang ngayon ang relasyon nina Angel Locsin at Phil Younghusband at hindi ito nawawala sa kanila.
Tuwing umaaga, hanap-hanap ni Phil ang text ni Angel. Gayon din ang girlfriend ng binata na sa twu-tuwina kapag napapag-uusapan siya ay mga glow sa mga mata ng aktres. Sa katunayan, magandang theraphy para sa dalawa na busy sa kani-kanilang mga trabaho sa araw-araw ang text messages nila sa isa’t isa.
Hindi man gasino nagkikita araw-araw dahil busy si Angel sa kanyang showbiz career at si Phil naman sa kanyang football games, nagpapatibay sa dalawa ang komunikasyon nila sa isa’t isa kahit thru text lang.
Sabi nga ng binata: “I never go a day without messaging her.” Sa text messages nila sa isa’t isa, ito ang nagbibigay-kilig factor sa pagsasama nila.
Sabi ni Phil: “I don’t want to lose that kilig feeling. I always want her to be kilig.”
Kaya naman si Angel, naghihintay na lang sa takdang panahon kung kalian magpo-propose ng kasal sa kanya ang boyfriend.
Sa pelikulang Four Sisters and a Wedding, tila ganito rin ang peg ng apat na magkakapatid na sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, si Angel at Shaina Magdayao (na loveless ngayon) na pawang naghihintay na lang ng proposal ng mga boyfriends nila ng kasal.
Mabuti pa si Enchong Dee (loveless din daw na playing their bunsong kapatid in the movie) mas mauuna pang ikakasal kaysa sa kanila.
Reyted K
By RK VillaCorta