Kris Aquino, ‘di maintindihan ang gusto

2 Kris-AquinoEKSAKTONG IKA-2 ng Enero nu’ng padalhan namin ng birthday text message ang kaibigan at kumpareng si Ogie Diaz. Sa kulang-kulang tatlong minutong phone conversation, naitanong sa amin ni Ogie kung totoong lilipat si Kris Aquino sa GMA.

Ang paksang ito has been floating around for weeks now. Feel daw ni Kris na sundan ang mga yapak ni Charo Santos-Concio, president ng ABS-CBN. It was a reflection that she had to mull over daw habang nakabakasyon sa London.

Kung kaming taga-GMA ang tatanungin, the least that Kris can be part of GMA is her anticipated reappearance in Vic Sotto’s weekend sitcom. Pero ang pagtawid-bakod mula sa ABS-CBN which was her original home, we doubt.

Unang-una, imposibleng layasan ni Kris ang istasyon that has treated her one of its most prized possessions, if not the most prized. Hindi nga ba’t sa aminin man o hindi ni Sharon Cuneta, isa sa mga pangunahing dahilan ng kanyang paglipat sa TV5 was because she (Sharon) felt ABS-CBN favoured Kris more than her?

Saka ano ba talaga ang ultimate goal ni Kris? Hindi nga ba’t balak niyang tumakbong Governor sa Tarlac sa 2016? So, which is which this time?

Network president,  Provincial Governor or Stage Mother for life?

THE ELECTION season come 2016, this early, sees a fragmented friendship among its contractual talents.

Kilalang mag-BFF ang troika nina Kris Aquino, Vice Ganda at Ai-Ai de las Alas, after all, their MMFF 2012 entry Sisterakas was a validation na close sila sa isa’t isa kuno.

However, politically, may kanya-kanya silang minamanok like a poultry farm tended by different workers. ‘Yun nga lang, maliban kay Kris who’s two-faced and caught between DILG Secretary Mar Roxas na kaalyado ng kanyang kuyang Presidente at ni Vice President Jojo Binay, na parehong matunog na maglalaban sa presidential race.

With Kris, expect some political confusion in her mind na taliwas sa idinidikta ng kanyang puso.

Sa kaso ni Vice Ganda, her (her talaga?!) brush with then-senatoriable Nancy Binay spoke about her sheer kawalan ng biiib towards the VP’s daughter for some “complex” reason, or complexion? Whichever, tiyak na walang aasahang boto si Binay sa pagka-Presidente mula sa baklang komedyante!

Of the three showbiz BFFs, hindi pa man ay nagdeklara na si Ai-Ai na si Binay ang kanyang Presidente sa 2016, apparently moved by the latter’s gesture ng pakikiramay nito nang pumanaw ang ina ng komedyana.

Kunsabagay, ang tunay na pagkakaibigan should transcend whatever issue, even political beliefs. Eh, mukhang sa tatlong hitad, it’s only Ai-Ai who speaks her mind na galing sa puso at walang halo ni bahid ng kaplastikan!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKris Aquino, pinagdudahang ‘pakana’ lang ang isyu ng paglipat
Next articleTJ Trinidad, gustong maranasang mag-romcom

No posts to display