Kris Aquino, ‘di na kinayang manahimik sa paulit-ulit na paninira sa kanya

 alt=

Kris Aquino
Kris Aquino
Kris Aquino’s necklace  (courtesy of Instagram: kriscaquino)
Kris Aquino’s necklace (courtesy of Instagram: kriscaquino)

Naglitanya na naman si Kris Aquino sa kanyang Instagram account dahil umano sa paulit-ulit na paglulubid ng kasinungalingan tungkol sa kanya ng kanyang bashers. Tila raw ayaw ng kanyang bashers na manahimik siya sa social media.

Ani Kris, “It seems you don’t want me to stay quiet and your trolls want to keep perpetuating lies about me. My friend JC Buendia & my sister Viel both showed me this paulit ulit na FB post.”

Tungkol ito sa necklace na sinuot niya noon sa APEC dinner, na ayon sa ilang netizens at bashers ay pag-aari umano ni dating First Lady Imelda Marcos na kasama sa kinumpiska umano ng gobyerno nang maupo ang kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution. Kabilang din umano ito sa jewelry collections ni Gng. Marcos na nawawala sa imbentaryo.

Ipinost ni Kris ang ‘diamond necklace’ na isinuot niya. Sa pagpapatuloy pa niya sa kanyang post, sinabi niyang nasa panig niya ang katotohanan at kaya niya itong patunayan.

Aniya, “The necklaces supposedly belonged to Mrs Marcos & I was brazen enough to wear them for the APEC DINNER. Duh? The necklace I wore was made from cubic zirconia & silver – hindi po DIAMONDS, in other words fake sila although Bottega Veneta naman. ENOUGH! And the TRUTH is on my side – including credit card receipts.”

Nais umano ni Kris na muling isuot ang nasabing necklace para sa isang event ng produktong ineendorso niya. Wala umano siyang pakialam dahil binayaran niya naman umano ito mula sa kanyang pinaghirapan.

Hindi rin umano problema ni Kris kung gusto ng iba na ibintang o pagtakpan ang pagnanakaw ng iba sa pamamagitan niya. Pero nilinaw rin niya na hindi niya tinutukoy rito si Gng. Marcos.

Pagpapatuloy ni Kris, “P.S. I have a long standing event for #ARIEL on Tuesday, even if my necklaces aren’t appropriate for showing how you can remove more than 100 different types of stains – what the heck, isusuot ko na sila, after all I paid for them w/ hard earned, tax paid income, and hindi ko na problema kung yung pagnanakaw ng iba trip nilang ibintang/pagtakpan using me – and to be perfectly clear, I’m not referring to Mrs. Marcos.”

Nagbigay pa ng babala ang host-actress sa mga naninira na tigilan na ang mga kasinungalingan tungkol sa kanya, kung ayaw umano ng mga ito na mabilad sa kahihiyan.

“So this is FAIR WARNING – stop lying about me if you don’t want your rotting skeletons unearthed. #IAMBACK,” matapang na babala ni Kris.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleMalacañang, nag-react sa pagtawag ni Agot Isidro ng psychopath sa pangulo
Next articleClassy Girls, nominado sa dalawang kategorya ng Star Awards for Music 2016

No posts to display