SAYANG na ang effort ni Kris Aquino sa pagbabalik-telebisyon niya noong Palm Sunday na hindi umawra at rumatsada sa rating games.
Mas pinanood pa rin ng madlang pipol ang Sunday show ni Vice Ganda na “Ganda Gabi Vice” na sa lahat ng ratings ay mataas ang agwat ng rating kaysa sa “Trip ni Kris” special ni Tetay.
Ibig sabihin kaya nito, waley na ang favorite magazine style show host ko at hindi na makabubuwelo sa kanyang planong pagbabalik-telebisyon?
Pero sa fans ni Kris, may magandang pagbabalita siya nang i-announce niya kamakailan na pipirma siya ng kontrata sa isang major Hollywood studio na hindi nito binanggit ang detalye.
Teaser lang ni Tetay ang posting niya sa kanyang Instagram account, na tila walang init ang pagtanggap ng publiko sa naturang announcement niya.
Sa Los Angeles, California ay pina-finalize na ng kanyang Hollywood agent na si Chris Lee ang kontrata ni Tetay para sa kanyang kauna-unahang international movie.
Paliwanag ni Tetay sa kanyang IG, “There were 2 shows I lost because hiring an Aquino for TV was a political risk not worth taking… But something happened March 23, 2017 – a Tony & Grammy award winning Broadway producer, Jhett Tolentino contacted me through Cong. Len Alonte and Manang Nene Chan. He was helping a Filipino-Chinese-American agent friend of his reach me to ask if I’d want to audition for a big Hollywood studio movie about to start filming.”
Dagdag pa niya, “48 hrs after Jhett’s call, on March 25 we mounted an audition shoot in Manila Peninsula. And we waited. And PRAYED.”
Excited si Tetay sa magiging outcome ng kanyang inaasam-asam na project sa Hollywood. Sinulat pa niya, “It is surreal to be reading the script from a major Hollywood studio watermarked on every page with my name. I signed a non-disclosure agreement so until they reveal my participation I can’t share any details about the movie & my role.”
Hindi man umeksena ang kanyang TV special sa GMA, paliwanag niya, “I am a proof that in life doors will shut & there will be heartbreaking setbacks but FAITH in God’s plan will open new, unexpected doors.”
Sa kanyang IG yesterday, Easter Sunday, pinost ni Kris ang kanyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya tulad nina ARMADA, Direk Ricky Villabona, Jules Dacanay, DOP Shayne Sarte & her team, Juan Sarte, Nante Alingasa, Kimi Yap, her finance guru Nicko Falcis, Alvin, and the entire Kris Online team, plus Atty. Joji’s Quantum Post Production para maihabol ang kanyang video presentation (may ibang tawag sila rito) para ma-beat ang deadline na ibinigay sa kanya.
Good luck, Tetay!