PERSONALLY, hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Bong Go kay Kris Aquino na nagamit ang Queen of All Media ang “patawang” script ni Go sa isa sa mga campaign sortie niya kung saan nakisakay naman ang ex ni Kris na si Philip Salvador.
At the expense of Kris, ginawa nila katatawanan ang masamang karanasan nito sa ama ng panganay niya na si Kuya Josh na anak ni Philip.
In bad taste, pero si Bong, tumawag personally kay Kris para humingi ng dispensa at nangako na hindi na nito uulitin pa.
Pero si Philip, deadma lang. Walang effort kahit at at expense of Kris sa ”naloko” script ni Salvador at Go para magpatawa. Magkano kaya ang kinita ni Philip para pumayag siya sa pambabastos niya sa ina ng kanyang anak na si Kuya Josh?
Sa online statement ni Kris sa kanyang social media the other night, aminado siya that she was “hurt” by the joke but would have gamely joined them because: “It’s better na nandoon ka at alam mo na you’re in on the joke, that your part of the joke rather than being the joke,” paliwanag niya.
Pangit at hindi sang-ayon ang marami sa ginawa ni Philip sa ina ng anak niya.
Sabi nga ng international celebrity endorser sa kanyang online statement: “Sana naisip mo, that line — ‘Naloko mo si Kris Aquino’ — what does that make of your son? Produkto siya ng panloloko?” pahayag ni Kris.
Ang huling pagkikita ng mag-ama was in years ago kung saan nang magkita ang mag-ama, masayang masaya ang anak na ipinakilala pa ni Kris sa bunsong anak na si Bimby na “Papa” si Philip ng kanyang Kuya Josh.
Sa naturang online statement ni Kris, ang pahayag niya sa publiko tungkol sa ama ng kanyang anak: “I made the mistake of falling for you. I made the mistake of loving you. You did not love me. Because had you loved me, 20 years after, hindi ako magiging biro sa isang sakit sa bawat entabladong inaakyat mo,” hugot pa ng celebrity host-endorser.
Sa kanyang pahayag online na viral last week ay inamin ni Kris na si Philip ang nakauna sa kanya. “I was 23 years old when the relationship started. How many times did I hear, ‘Naka-isa si Ipe,’ ‘Siya ang naka una kay Kris’? Yes, totoo ‘yon, I was a virgin, and I got pregnant, and I left my family. I chose him.”
Reyted K
By RK Villacorta