EITHER SYMPHATHETIC OR apathetic ang reaksiyon ng audience sa ipinahiwatig ni Kris Aquino sa The Buzz na magku-quit na siya sa showbiz following the spate of controversies na kinasasangkutan niya na may kaugnayan sa kanyang Kuya Noynoy.
How downright petty of Kris to risk her career, na ang pinag-ugatan lang naman ay ang alitan nila ni Ruffa Guttierez na binansagan na nga nitong “silly.” Nothing can be sillier than Kris’s insinuation that the only way out ay maglaho na lang siya sa showbiz.
Napakaimposibleng mangyari ‘yon, not at this time when her exposure subtly resonates the very existence of Noynoy na kailangan niyang ikampanya so vigorously against his formidable opponents. Let’s face it, ginagamit ni Kris ang kanyang mga programa as a “political pulpit” to pontificate Noynoy’s agenda.
At makailang beses na bang nagbantang tatalikdan ni Kris ang showbiz, only to embrace it anew with so much rhyme and rhetoric? Tumigil na si Kris sa kanyang paawa effect, it has been her oft-abused ploy, so ill-timed na itinitiyempo niya kung kailan her brother’s ratings are now at a critical level.
Kris is not, and will never be like her mom Cory who offered herself as a sacrificial lamb for the nation to breathe the air of democracy. Hindi si Kris ang tipo na isasakripisyo ang kanyang career for an electorial season much shorter than her mother’s presidential term.
Not even halfway through the presidential race, bakit si Kris ang nagba-back out from a business that made her? Kung anuman siya ngayon, she owes it to showbiz. And she owes the public na siyang nagluklok sa kanya to become who she is now.
Mabuti pa ang katunggali ni Noynoy na si Senator Jamby Madrigal, hindi niya alam ang presyo ng galunggong. Time was when kung kailan ipinangako na bababa ang presyo ng galunggong, sadly, the leaders has stepped down but the market price of the poor man’s fish had gone up as high as the waves in its habitat.
PROBABLY THE MOST expensive Hermes bag fetches sa tumataginting na P8.9 million. Sa paglalarawan ng sosyalerang si Tim Yap, it’s amethyst croc with diamond studs.
Carrying Hermes bags is trendy as it is as a status symbol for the obviously can-afford celebrities. Nu’ng nag-grand opening daw ang outlet na ito sa Glorietta, the first buyer was Ruffa Gutierrez. At ang sumunod ay ayaw patalbog na parokyano nito ay si Jinkee Pacquiao who came out of the outlet with both hands carrying bags of it.
Ito ngayon ang kinaaadikang bag ni Jinkee, na duda ng marami ay siyang nakabili ng naturang 8.9 million-peso worth of Hermes bag. Napakagarbong bahay na ‘yon, kung tutuusin, literally a house in a bag!
Pero sa dami ng pera ng mag-asawang Pacquiao, P8.9 million is just a tiny speck. May kalalagyan na rin ang halagang ‘yon to feed about 20 million Filipinos who are statistically hungry.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III