Kris Aquino, hindi nanghihingi ng simpatiya sa kaso kay Nicko Falsis

Kris Aquino

NAGBIGAY ng mensahe si Kris Aquino sa idinemandang former business manager na si Nicko Falsis na kung ilang beses niya na palang binigyan ng chance na harapin siya para magpaliwanag.

Sa naging pahayag ni Kris ay hindi niya naman itinanggi na mayroon din siyang utang na loob sa dating kaibigan at business manager.

 Ani Kris, “I’m sorry that it came to this because I had to see papers that I should not receive, but unfortunately, I did. This could have been fixed and I will reiterate that 6 times nag-attempt ang side namin.

 “Kung patuloy naman na tinatanggihan ka eh ikaw na ang naagrabiyado, meron nang mali doon.

 “Pero sasabihin ko, kasi ang last statement was “we are open for an amicable settlement.” I’m saying it directly to you, Nicko, we shared something special.

“You helped me rise up when I was down. May utang na loob ako. Kaya natin ‘tong ayusin, sana naayos ito kung tayong dalawa lang.”

Nagbigay din ng paliwanag ang Quee of all Media sa pagkuha niya ng mga abogado para sa kaso.

 “And sinasabi mo na kumuha ako ng powerful lawyers, powerful friends, bakit hindi ko ‘yun gagawin eh kinabukasan ‘to ng mga anak ko?

 “And ‘yun ang masakit, eh, kasi itinuring ka naming pamilya. Kaya nga kaya kong sabihin, kaya kitang patawarin, pero magpakita ka naman sa akin na you’re at least trying to meet me halfway, because I’ve done more than my share. Everytime I had a milestone in my life, I share it with you.

 “I no longer blame you for all the health woes I went though kasi binigay ko na ‘yan kay God. It’s really up to Him. All I’m saying is I have done my share to try to fix this. And if you will not try to meet me halfway, I did not make any unreasonable demands.

“My lawyers were being fair. You were never named until last night. You know why I did not name you, because I know kung ilan ang followers ko at hindi ko gusto na gawin ito na sirain ang buhay mo,”  mensahe pa ni Kris.

Idinadag din ni Kris na wala siyang intensyong humingi ng simpatiya sa mga tao sa bagong problemang pinagdadaanan niya.

“This is not a play for sympathy, it’s just the truth. So, let’s fix this,” sambit pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleCora Waddell tinuruan ni Christian Bables na mas maging friendly sa mga katrabaho
Next articleSOLENN HEUSSAFF, AYAW MUNA MAGKA-BABY

No posts to display