HUMINGI NG public apology si Kris Aquino kay Batangas Governor Vilma Santos last Thursdsay sa episode ng Aquino & Abunda Tonight.
Dahil sa naging malaking issue ang wrong spelling and grammar na isinulat ni Ate Vi sa card na ibinigay niya kay Kris na ipinost naman ni Kris sa kanyang Instagram account.
Dahil din dito ay nasisisi si Kris ng ibang mga tao, lalo na ng mga fans ni Ate Vi. They are saying na magaling naman sa English ang TV host at alam niyang mali, bakit pa ipinost?
Sa naging paliwanag naman ni Kris sa A&A. she didn’t mean harm by posting the card.
“Ako, I take offense doon sa nagsasabi na I meant her harm by posting that. I didn’t. You know, I’m a fan, you know I’m a Vilmanian. It did not bother me. Ako po ‘yung recipient ng card. Kung ako noong binabasa ko, hindi ko tsinek, hindi ako nagpaka-English teacher doon sa card na ‘yon.
“What touched me was the honesty, the sincerety, the genuine kindness that she showed me. Ang mali ko doon, I also forgot that I do have one million followers on Instagram.
“Now, I realize also na, my good intention of showing my appreciation to her can be taken the wrong way,” pahayag ni Kris.
“I love u Ate Vi. I apologize, Ate Vi, doon sa stress na ibinigay nito sa ‘yo. Pero sinabi ko nga, you’re too blessed to be stressed.
“Ang uulitin ko ngayon, sana sa 2016, bibigyan mo ako ng oportunidad na maboto kita dahil sana national office na talaga ng itatakbo mo,” pagtatapos ni Kris.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo