NAG-CELEBRATE NG kanyang kaarawan si Kris Aquino na broken-hearted. Imbis na magsaya, nagdurogo ang puso ni Tetay dahil ang manliligaw niya ay inetsapwera na siya bago pa man dumating ang Valentine’s Day.
Inamin ni Kris sa kanyang daily Kris TV show noong Monday sa co-host niyang si Pokwang ang kanyang ipinagdaraanan.
Masakit para sa TV host ang ending ng relasyon nila na ayaw niyang ibunyag ang identity ng lalaki.
Ayon kay Kris, “Ang sad, it hurts, kasi ako ang nasabihan na ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung p’wede ko lang talagang ma-rewind at ma-edit kung ano ang nangyari. Nasabihan ako talaga. Ikina-shocked ko talaga. ‘Yun din ang sinabi ko, ‘Ouch, how harsh!” kuwento niya noong Lunes sa kanyang show.
Pero hindi nag-emote nang husto si Tetay sa pagka-hearbroken niya. Nag-emote lang siya ng isang araw at idinaan sa dasal ang pagkabigo muli sa kanyang buhay pag-ibig.
After na bitawan ng lalaking manliligaw at isang araw na pag-e-emote; back to normal muli si Tetay. Laugh na naman siya at handa na namang maghanap, maghintay ng darating na pag-ibig
Basta kay Tetay, it’s always love, love, love…
BONGGA AT buhay na buhay ang sambayanan sa kanilang paglalahad ng kanilang mga saloobin at opinion.
Salamat sa mga social media dahil hindi lang ang “media”, bayad man or whatever you call them, ang nagbibigay ng opinion sa mga kaliwa’t kanang mga isyu na kinakaharap natin sa kasalukuyan.
Malaki ang nagagawa ng social media (Facebook, Instagram at Twitter) para magbantay sa mga kaganapan sa ating mga paligid.
Sa isyu noon ni Vice Ganda na pinaglaruan si Jessica Soho; sa eksena ni Anne Curtis sa isang club sa The Fort na nangyari dahil sa kalasingan, hanggang sa PDAF (aka Pork Barrel Scam) na kinasasangkutan ng troika nina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile, ang taumbayan, nagmamasid lang, nagbabanta na sa bawat galaw, sa pagbitaw ng salita, depensa at kung ano man ang diskarte ng mga nasasangkot ay mata ng sambayanan ang mga tanod.
Sa isyu nina Vhong Navarro, Cedric Lee at Deniece Cornejo, magsala-salabat man ang mga pruweba sa mga alibi at paglalahad ng katotohanan, ang social media, ‘and’yan at gising at makikisawsaw sa isyu.
Sa katunayan, sa social media, pinag-uusapan ang nakaraang simpleng birthday celebration ni Sen. Jinggoy sa Senado noong Lunes ng tanghali (nagpakain siya) na pinaglaruan sa social media at pinapahulaan kung ano ang inihanda sa simpleng lunch treat na ‘yun.
Sa social media group kung saan member kami, top on the list sa mga ulam na pinahulaan ay Pork Adobo, Pork Humba at Pork Menudo.
Hindi naisama sa listahan ng top three ang litson dahil this will remind Sen. Jinggoy sa magiging sitwaston niya kung hindi niya malulusutan ang PDAF isyu na ito.
Piktyur-piktyur ang ama ni Sen. Jinggoy na si Manila Mayor Joseph Estrada, Sen. Johnny at siyemre si Sen. Bong na mukhang happy at nagtsi-tsikahan pa.
Sa isang posting sa Instagram habang ang apat (Bong, Jinggoy, JPE at Erap) pinapahulaan kung ang topic ng kuwentuhan sa mesa nila.
Visible sa TV coverage (sa mga news programs) ang misis ni Sen. Jinggoy na si Precy Vitug-Ejercito.
Wish ni Sen. Jinggoy ay malinis na ang pangalan niya sa isyung ito sa pagkasangkot niya sa PDAF. Dahil kung hindi, dala-dala niya ang stigma na ito na hanggang sa apo ng kanyang mga anak na si “Lolo Jinggoy” nila ay minsang involved sa isang iskandalo na hindi mo malilinis sa paligo lang o pangiti-ngiti lang with matching “envelope”.
‘Pag nagkataon, p’wede kaya ang peg ay “like father, like son?”
Reyted K
By RK VillaCorta