Kris Aquino, ipinagyabang ang milyun-milyong tax na binabayaran

Photo courtsey of Instagram: @kriscaquino
Photo courtsey of Instagram: @kriscaquino
Kris Aquino Photo courtesy of Facebook: Municipality of Dalaguete, Cebu
Kris Aquino Photo courtesy of Facebook: Municipality of Dalaguete, Cebu

 alt=

Ipinamukha ni Kris Aquino sa publiko ang laki ng buwis na binabayaran niya taun-taon mula 2008 hanggang 2015. Ito ay kasunod ng pagtatanggol ni Pangulo Noynoy Aquino sa bunsong kapatid nang batikusin ng maraming netizens ang paggamit ni Kris ng presidential chopper sa isang campaign sortie ni Mar Roxas sa Cebu.

Pagtatanggol ni PNoy, miyembro naman Kris Aquino ng immediate family niya kaya may karapatan si Kris na gamitin ang presidential chopper. Karapatan din daw ‘yun ni Kris bilang isa sa biggest taxpayer ng bansa.

Kahapon sa kanyang Instagram account na @kriscaquino, nag-post si Kris ng kuwentadas ng kanyang buwis na binayaran. Sa caption ng kanyang post: “#TRUTH #HonestTaxpayer”

Hindi naman maiwasan na iba na magpahayag ng pagkadismaya sa post na iyon ni Kris.

“Nakakadismaya lang..I really admire you pa naman..hindi ko Alam batayan na pala ngayon Kung gaano kalaki ang tax mo sa paggamit ng chopper so paano kami di ganun kalaki ang tax na binabayadan walang karapatan gumamig ng lecheng chopper na yan!? Tuwid na Daan baluktot na pangangatwiran.

madami pala pera nito bat di kana lang bumili ng sarili mong chopper? kayang-kaya naman diba?”

“Hypocrite, wala kming pake sa tax mo, ang mali ay mali, matuto kang tumangap ng pagkakamali… Ang bawal ay bawal…. Sumunod ka sa batas. Dahil kayo ang nkakataas dapat maging ehemplo kayo. Kaya ang mga pilipino walang discipline dahil sa mga leaders na wala ding discipline. Try mo bumili ng hiya at disiplina.”

“honesty and generosity to people who are close to you…. I know you’re one of the highest/top taxpayers in this country. Simply because you are earning more than us/ordinary citizen. Artista po kayo,malaki ang kinikita ninyo so since malaki so malaki din Tax nyo. What if you’ll be in our shoes. What if ikaw ay isang ordinaryong Pilipinong nagsusweldo ng minimum lang so syempre dahil maliit lang sweldo so maliit lang ang tax compared sa tax mo. Ikaw man ang may pinakamalaking naiambag na tax sa bansang ito Madam pare parehas lang po tayo kasi parehas lang tayo kinakaltasan ng buwis!” Pasalamat po kayo kasi artista kayo,kung hindi dahil sa aming mga ordinaryong mamamayan na sumosuporta sa mga shows nyo e wala din naman kayong milyon na sinusweldo. Nahiya naman si Manny pacquiao sayo, nagpakahirap e angat at magbigay ng karangalan sa bansa at sobrang laki din ng Tax nya….. Madam, pantay pantay tayo. Maliit o malaking buwis man ang kinakaltas sa atin. Nahiya naman kami sa inyo!”

This is just plain tackless. Should we worship you ’cause you contribute more than the rest of us? This is just so unbecoming of you. You never fail to bring the Aquino name down.”

“Hindi kayang bilin ng pera ang disiplina at hiya. Wag maging abusado..”

Ilan lang ‘yan sa mga ‘di kagandahang komento na nabasa namin sa nasabing post ni Kris. And we saw their points.

Hindi naman kasi isyu kung kabilang ka sa presidential family o ikaw ang may pinakamalaking buwis na binabayad taun-taon. Ang pinag-uusapan dito, ginamit ang government resources para i-endorse ang isang presidentiable. May ipinagkaiba ba ito sa paglustay sa pondo ng bayan? Siguro naman hindi lang kay Kris galing ang pondo ng bayan, kundi sa milyong ordinaryong manggagawa na halos kalahati ng suweldo ay napunta sa buwis.

Spell ‘kapal’ and ‘abusado’.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

 

Previous articleJohn Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, umatras kay Captain America
Next articleEB co-host Patricia Tumulak, pati pamilya, apektado na rin sa kanyang bashers

No posts to display